Local News

Malaswang Video Umano ni Dacera, Kumakalat! Pamilya, Umalma!

Umaalma ngayon ang mga kaanak ng flight attendant na si Christine Dacera matapos kumalat ang isang sex video. Sa nasabing malaswang tape, makikita na wala sa katinuan ang babae habang nakikipagtalik sa isang lalake.

Ikinakasa na ng Pamilya Dacera ang kaso laban sa taong nasa likod ng pagpapakalat ng malisyosong footage. Ayon sa abogado ng mga Dacera, sinisira ng nasabing video ang reputasyon ni Chritine.

Si Dacera ay naging laman social media sa pagsisimula ng bagong tao dahil sa kontrobersiyal na pagpanaw nito. Magugunita na kasama ni Dacera ang ilang kaibigan upang ipadiwang ang bagong taon sa isang hotel sa Makati pero hindi na ito umuwing buhay. Natagpuan ang labi ni Dacera sa bathtub ng kanilang tinuluyang establisimiyento.

Ayon sa mga paunang pahayag ng kapulisan ay ginahasa umano si Christine. Pero pinabulaana ito ng mga kasama ni Christine sa hotel.

Sinabi naman ng JP Dela Serna, isa sa mga kaibigan ng dalaga, may hinalong powder sa inumin ni Christine pero kalaunan ay binawi niya rin ito. Ayon sa kampo ni Dela Serna, tinakot daw sila ng kapulisan at pinahirapan.

“Hindi kami makatulog, there’s no space to lie down no space makausap, ‘di makaisip ng maayos. Nag-visit mommy ko ‘yung ibang preso sila pa nauuna kumain sa amin. Nakakulong kami the whole time I don’t feel we’re treated as people nakaposas kami for 5 days,” pahayag ni Dela Serna.

Ang sex tapes, anggulo sa droga at torture ay ilan sa mga tinitignan ngayong anggulo sa kaso ni Dacera.

Source: SMNI

Leave a Reply

Theme by Anders Norén