Local News

“Maliit ang casualties ngayon kumpara sa dating Administrasyon!” Roque, Sinupalpal ang mga Kritiko!

Supalpal ang inabot ng mga nagpapasimuno ng hashtag na #NasaanAngPangulo kay Presdiential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, oposisyon ang pasimuno ng nasabing paandar. Giit pa ni Roque na hindi nawawala ang Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Ipinaalala din ng tagapagsalita ng Pangulo na higit na may kaunti ang nabibiktima ng kalamidad sa panahon ni Pangulong Duterte kumpara sa nagdaang administrasyon.

“Hindi na dapat tanungin ang Nasaan ang Pangulo? ‘Yan ay kalokohan lang ng oposisyon. Ang Presidente ay hindi nawawala.

Oposisyon, itigil niyo na iyan. Dahil kung ikukumpara ‘yung mga casualties sa nakaraang administrasyon sa casualties ngayon, eh maliit ang casualies natin,” banat ni Roque.

Source: News5 | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén