Local News

“Mandaraya kayo kaya Maraming Inis sa inyo!” Mayor Sara, Binoljakan na ang ABS-CBN!

Nakatikim ng matinding boljak ang ABS-CBN news mula kay Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte. Ito ay dahil hindi nilagay ng istasyon ang kaniyang buong paliwanag kung bakit bumalik sa Davao City si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Bagkus pinalabas pa sa headline ng dinepensahan niya ang kanyang ama sa pagbalik nito sa lungsod ng Davao.

Ayon sa matapang na alkalde, ito raw ang dahilan kung bakit maraming mga tao ay buwisit sa Kapamilya network.

“Alam niyo Abs-Cbn kaya marami naiinis sa inyo dahil nanadya kayo. Apart from this sassy answer, I gave a mouthful of numbers as legal basis, aba kahit isa wala man lang kayo sinulat. Ansabe ko IATF Omnibus Guide dated 15 May 2020 Sec. 7 (2) 2 at Notam DIA exemption to restricted travel 2) Government flights,” resbak ni Mayor Sara.

Imbes din daw na nakakakuha ng mga ka-alyado ang ABS-CBN ay gumagawa pa ra ito ng mga bagong kaaway.

“Andami niyo na nga kalaban gusto niyo pa dagdagan. Kung sabagay pasok naman na sila Espasol, Sapin-Sapin at Chicharon sa bulsa eh noh, 6 months to 25 years. So tuloy lang tayo sa bias.

Magsulat kayo maayos oi. And for the record, walang connection ang freedom of speech at iba pang kieme ninyo sa isang franchise. Amen,” buwelta pa ng aklade ng Davao.

Magugunita na ilang buwan lang ang nakaraan ay nagpahayag si Mayor Sara ng suporta sa pagpapalawig ng prangkisa ng Kapamilya network.

“Davao City fully supports ABS-CBN sa kanilang pagpapa-renew ng kanilang franchise. Of course malaki din ang suporta ng ABS-CBN sa Davao City at sa buong bansa,” ani Mayor Sara noong Pebrero.

Source: Mayor Sara Duterte | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: