Local News

Panoorin: “Mandato ko na Malaman ang Listahan ng High-Value Targets” – Robredo

Para kay Vice President at Inter Agency Committee Againts Illegal Drugs (ICAD) co-chairman Leni Robredo, mandato niya daw na malaman ang nilalaman ng listahan ng high-value targets (HVTs).

Kailangan daw niya malaman kung ilan at kung sino-sino ang mga nasa HVTs upang maipatupad niya ang kampanya kontra-droga ng epektibo.

“Kaya nga binalikan ko ‘yong functions ng ICAD […] under Executive Order No. 15, ang number one function niya, ensure the effective conduct of anti-illegal drug operations and arrest of high value drug personalitiesIto ang tanong ko, papaano ko ma-ensure nang hindi ko nga alam?” she asked. “Papaano ko ‘to mae-ensure na nahuhuli ‘yong mga high-value targets kung hindi ko nga alam kung ilan ba ang high-value targets, ano ba ‘yong status sa pag-huli sa high-value targets, ano ba ‘yong available na impormasyon?” boladas ni Robredo.

Magugunita na noong Biyernes ay kinuwestiyon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief at co-chairman ni Robredo sa ICAD na si Director General Aaron Aquino kung bakit kailangan makuha ng bise presidente ang naturang listahan.

“Meron atang hinihingi na lists. One example ‘yung list ng high-value targets. So I think, nag-iisip naman ako bakit kailangan niya in the first place. Wala naman sa mandates namin ‘yun, na kailangan kumuha ng listahan ng high-value targets,” sabi ni PDEA Chief Aquino.

Nangangamba si Aquino baka mapunta sa ibang kamay ang listahan kung sakaling ibigay ito kay Robredo.

“Sa pinaka simpleng explanation — kapag binigay namin ang listahan kay VP Robredo hindi na namin alam kung sino sino ang magkakaroon ng access sa listahan. That will compromise our negation operations,” dagdag pa ni PDEA Chief Aquino.

Nilinaw din ni Aquino na hindi lahat ay binibigyan ng access sa mga sensitibong impormasyon. Kahit din daw siya ay hindi agad ito nakukuha.

“I myself has no copy of the list in my possession. What I am doing is I check it from time to time with my intelligence service and conduct workshops against these personalities,”paliwanag ni PDEA Chief Aquino.

Panoorin ang pahayag ni Robredo sa kanyang radio program.

Source: Inquirer | Inquirer | DZXL

Leave a Reply

Theme by Anders Norén