Local News

Mangingisdang Nabangga, Binigyan ng Fiber Glass Fishing Boats ng Gobyerno!

Nasa Occidental Mindoro na ang labing-isang fiber glass fishing boats na ibibigay ng Department of Agriculture (DA) sa mga mangingisdang nabangga ng mga Chinese vessel sa may West Philippine Sea. Ilan pa sa mga gamit na kasama sa ipagkakaloob ng DA ay ang mga marine, diesel engine, kawil at mga lambat. Makikita rin sa mga larawan ang mga life vest na nakapatong sa bangka.

Kaninang umaga ay humingi ng paumanhin si F/B Captain Junel Insigne kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil lumabas sa mga naging komento niya sa media nitong nagdaang mga araw na nai-snub niya ang Presidente. Nilinaw nito na si DA Secretary Manny PiƱol pala ang nagpatawag sa kaniya at hindi ang Pangulong Duterte.

Source: News5 | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén