Local News

Manila Bay White Sand Project, Papaimbestigahan ni Kiko!

Naghain ng seante resolution si opposition senator Kiko Pangilinan upang imbestigahan ang Manila Bay White Sand Project ng pamahalaan. Layon ni Kiko na malaman ang legalidad ng proyekto at epekto nito sa kalikasan. Gusto rin ungkatin ng seandor kung may posibleng public health hazard ito.

Magugunita na naging sikat ang nsabing lugar matapos malinis ng gobyerno ang nasabing dalampasigan at latagan ng mga dinurog na dolomite rocks upang magmukhang white sand.

Sa kabila ng magandang hangarin ng gobyerno ay may ilang personalidad na pumuna sa nasbing proyekto. Umaatungal sila dahil inuna pa raw ang White Sand project kahit na may pandemiya. Ito ay agad sinagot ng opisyal ng Department of Environment and Natural Resources at sinabing matagal nang nailaan ang pondo para sa nasabing proyekto.

Matatandaan na dinumog ng mga tao ang white sand sa Manila Bay nang binuksan ito ng gobyerno sa publiko.

Para sa prominenteng abogado na si Atty. Trixie Cruz-Angeles, kung mapapaganda ng tuluyan ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Manila Bay ay magsisilbi itong tagumpay ng kasalukuyang pamahalaan.

“If Manila Bay is cleaned up and beautiful, that is an accomplishment under the administration of Rodrigo Duterte

And none of his opponents want him to succeed. In fact, they dont mind burning down the country to make this president — and all of us who generally like this administration — fail.
Makasarili lang talaga amfoo…” sabi ng abogada sa kanyang social media post.

Source: ABS-CBN | Luminous

Leave a Reply

Theme by Anders Norén