Local News

Manny Pacquiao 2022 President Posters, Namataan na!

Kamakailan lang ay nanging laman ng balita ang boksingerong senador na si Manny Pacquiao matapos niyang almahan ang resolusyon na nilabas ng kaniyang mga kapartido para udyukan patakbuhin bilang vice president si Pangulong Rodrigo Duterte. Pinagbintangan din ni Pacquiao ang kalihim ni Pangulong Duterte na may pakana ng panghihikayat. Ayon kay Pacquiao, huwag daw mamulitika at unahin ang paglutas sa pandemiya.

“Hindi legitimate ‘yung resolution na ginawa. Nalaman ko lang ‘yun dahil sinabi sa’kin ng tao ko… Hindi ko alam ‘yun. Hindi ‘yun sanctioned as acting president ng partido… Aaksyunan namin ‘yang mga ganiyan na hindi sumusunod sa partido… Si (Energy Secretary) Alfonso Cusi, hindi ako nakikipag-away sa iyo pero hindi ako ang pwede mo lang laruin… Kung umiikot ka, pulitika pinag-uusapan mo, ‘wag mong lasunin ang mga utak ng mga miyembro ng partido para magkahiwa-hiwalay. Warning lang ito,” boladas ni Pacquiao.

Naging tikom naman ang bibig ni Pacquiao sa plano niya para sa 2022 elections.

“Mahirap magplano in advance. Sa ngayon ang plano natin ay umiikot tayo dahil tumutulong tayo sa tao… Tuloy-tuloy ang pagtulong natin sa tao, Nakita ko ang kahirapan ng taong bayan… Kinakailangan yung tulong natin bilang ama ng bayan…Mula pa naman noon, hanggang ngayon, tumutulong tayo… Alam niyo, noon pa ho ako umiikot eh, matagal po na panahon, 2005, 2006 umiikot na po ako. Namimigay na po ako ng tulong sa ating mga kababayan. Pumasok po ako sa pulitika 2010 na eh, so hanggang ngayon, ‘yon ang ginagawa natin,” sabi ni Pacquiao.

Hindi tuloy maiwasan ng ilang personalidad na kuwestiyonin kung may balak nga bang tumakbo si Pacquiao sa mataas na posisyon.

Sa video ng radio host/vlogger na si Byron Cristobal aka “Banat By”, ipinakita nito ang isang poster na may larawan ni Pacquiao at may nakasulat na “2022 president”. Ibinahagi din ni Cristobal, ang isang music video na tila pinalalabas na si Pacquiao ang pag-asa ng mga Pilipino.

Ibinahagi rin ng hiwalay na Facebook page ang parehas na poster pero nakapaskil sa ibang lugar.

Source: Banat By | DDS Negros | MB | MDM | Archive | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén