Local News

Mar, Umamin na Nasasaktan siya sa Akusasyon tungkol sa ‘Yolanda Funds’

Umamin si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na siya ay nasasaktan sa mga akusasyon ibanabato laban sa kanya patungkol sa hindi maayos na paggamit umano ng pondo para sa rehabilitasyon ng Super Typhoon Yolanda.

“Tao lang tayo. Of course nahu-hurt tayo. Pero, nilalagpasan ko na lang yan. I mean, tanggap ko na hindi lahat, magkakagusto sa akin. Hindi lahat, susuporta sa akin,” sabi ni Roxas.

Sinisi ni Roxas ang mga trolls at mga pekeng balita sa social media kung bakit tila kinamumuhian siya ng ilang kababayan natin.

“Kung galit kayo sa akin, ayaw niyo sa akin, karapatan ng trolls na magpahayag ng kanilang nararamdaman pero doon tayo sa totoo. Baka nadadala lang kayo ng fake news,” banat pa ni Roxas.

Nilinaw din ni Roxas na hindi niya ninakaw ang Yolanda funds at ginamit niya pang patunay ay ang ulat mula sa Commission on Audit (COA).

“Kasi malinaw naman ang katotohanan. Yung COA report mismo. Yung Ombudsman report mismo. Lahat ng dokumentasyon pati na yung Yolanda Czar mismo na si Ping Lacson, nagsasabi na hindi naman sa akin dumaan ang pera,” banat pa ni Roxas.

Kamakailan lang ay naglabas ng opinyon ang dating mamamahayag at ngayo’y senatorial candidate na si Jiggy Manicad. Ayon kay Manicad, maaring peke nga ang balitang hindi paggamit ng wasto sa Yolanda fund pero ang pagiging incompetent ng nakaraang administrasyon sa pagtugon sa bagyong Yolanda ay may katotohanan.

“We thought we were going to die. We were the first and only network to go live then. To the horror of the victims in the hours, days following the typhoon, wala pa ring tulong. Konti pa lang ang rumeresponde (no help arrived. Few responded),” sabi ni Manicad.

Si Manicad at ang news crew niya ay nasa Leyte noong kasagsagan ng bagyong Yolanda.

Source: INQ | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén