Local News

Maraming Buhay ang Apektado sa Non-Renewal ng ABS-CBN Franchise – Kapamilya Star Anne Curtis

Nakisali na rin si Anne Curtis sa pnaghihikayat sa mga tao na pumirma sa petisyon na sinimulan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) para sa ABS-CBN franchise renewal.

Ang naturang petisyon ay ibinahagi ni Curtis sa kanyang Facebook, Twitters at Instagram stories nito lang Enero 20.

“Please sign the petition. So many lives will be affected by the jobs that will be lost (heart break emoji),” mensahe ni Curtis sa kanyang mga followers sa social media.

Layon sa petisyon na makakalap ng pirma na aabot sa isang milyon upang isumite sa kongreso na siyang magsasagawa ng pagtalakay sa legislative franchise ng kumpanya.

Ilan sa mga talents ng ABS-CBN ay nagpakita na rin ng suporta para sa petisyon. Ilan sa mga ito ay sina Ogie Alcasid, Vice Ganda, Agot Isidro at may iba pa

Ang prangkisa ng ABS-CBN ay mapapaso na sa Maro 30, 2020. Makailang ulit ng nagbanta si Pangulong Rodrigo Roa DUterte na haharangin niya ang franchise renewal ng media outlet. Isa sa ibinigay na rason ni Pangulong Duterte ay ang hindi pag-e-ere ng kanyang campaign advertisement noong 2016 election, kahit na tinanggap daw ng istasyon ang kanyang bayad. Inaalmahan din ni Pangulong Duterte ang gianwang pagpapalabas ng ABS-CBN ng “black propaganda” sa kanya ni Trillanes kahit na mayroon ng Teporary Restraining Order.

“ABS-CBN ‘yan pera -pera lang ‘yan. Niloko ninyo kami. Kaya kayo hindi ko kayo palusutin. ‘Yung franchise ninyo matatapos, kasi ako talaga mag-object na ma-renew kayo. Alam n’yo kung bakit, magnanakaw kayo, estapador. Ginawa ninyo sa amin, marami kami. Mukha kayong pera lahat. mga P******i** kayo lahat,” banta ni Pangulong Duterte.

Ang panawagan ni Curtis ay umani ng suporta at pambabatikos mula sa mga kababayan natin. Ilan naman sa mga netizens ay sinabihan si Curtis na manawagan sa kumpanyang pinagtatrabahuan nito na magbayad na lang ng utang.

Source: PEP | Abante

Leave a Reply

Theme by Anders Norén