Local News

Mariel De Leon na Nagsabi noon na ‘Scripted’ ang Sagot ni Catriona Gray ay Proud na Ngayon sa Kandidata!

Matapos manalo ni Catriona Gray sa isinagawang Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand, nagpahayag si Mariel De Leon ng saloobin tungkol sa tinamong tagumpay ni Gray sa patimpalak. Sa kanyang twitter account, binati ni De Leon si Gray sa pagkakapanalo nito sa 2018 Miss Universe at sinabi din ni De Leon na ipinagmamalaki daw niya at ng lahat ang pagkakasungkit ni Gray sa korona.

Matatandaang noong Marso ay nagbigay ng komento si De Leon patungkol sa paraan ng pagsagot ni Gray sa mga tanong sa Binibining Pilipinas shoot ng “The Road to the Crown”. Ayon kay De Leon noong panahon na iyon ay “scripted” umano ang sagot ni Gray.

“I really love your confidence and the way you speak, but sometimes it seems just a tiny bit scripted,” sabi ni De Leon kay Gray.

Si De Leon ang naging pambato ng Pilipinas sa Miss International 2017, ngunit bigo itong masungkit ang korona. Naging usap-usap din si De Leon noong nakaraang taon matapos nitong punahin si PCOO Assistant Secretary Asec. Mocha Uson at makasagutan sa social media si Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Panoorin po natin ang reaksyon ng mga kababayan natin sa naging tagumpay ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ito naman po ang highlights sa Miss Universe 2018.

Source: Mariel De Leon | Niceguyitachi Network
| MB

Leave a Reply