Local News

Mas Busy pa sa Pagtingin sa Sexy Picture ko kesa sa Pandemiya – Isko

Sa isang pahayag, niresbakan ni Manila Mayor Isko Moreno si Pangulong Duterte dahil umano sa pagiging abala daw sa pagtingin sa kaniyang sexy photos.

“Yung mga bagay na nagawa ko sa showbiz ay mga bagay na parte ng buhay ko at hindi kinubli… Imbis na busy sila sa pandemiya, natingnan nila ‘yung picture ko… kaysa ‘yung picture ng mga namamatay, picture ng nagkakasakit… Ang buhay ko is an open book. Maraming salamat kay Kuya Germs… binigyan niya ako ng chance na iahon ko ang aking sarili… Ito ang naging hagdanan ko upang maitaguyod ko ang pamilya ko at bilang artista, marami akong dapat gampanan na karakter o dapat tupdin na responsibilidad,” boladas ni Isko.

Magugunita na sa kaniyang public address, binanatan ni Pangulong Duterte ang isang alkalde na hindi nito pinangalanan.

“Nakita ko nga sa Facebook kanina lahat ng naka-bikini ang g*** tapos meron isang picture pa dun sinisilip niya iyong ari niya. Iyan ang gusto nyo? Ang training parang call boy. Naghuhubad sa picture, naka-bikini, tapos ‘yung garter tinatanggal niya… Iyan ang training ng presidente—maghubad at magpapicture at magsilip, magyabang sa kanilang ari kagaya ni Paredes… And you know it has happened several times, he has blamed many people other than himself,” buwelta ni Pangulong Duterte.

Sinabi ito ni Pangulong Duterte matapos magparinig si Isko laban sa National government.

“Mas marami silang sinasabing ibang bagay to create smokescreen. Ang ibig pong sabihin ng smokescreen ay ‘yan ay para malito yung mga tumitingin, para lumabo ang mga mata ninyo. Kaya gagawa sila ng mga salita para ‘yun ang mga mapansin, mawala ang direction sa kapalpakan ng iilang tao… Huwag na tayo magturo. Alam na natin kung sino palpak, alam na natin kung sino yung pabaya, alam na natin kung sino yung puro ngawa,” kuda ni Isko.

Magugunita na sinita noon ni Pangulong Duterte ang isang LGU dahil sa pagpapapila sa mga tao sa baha para mab@kun@h@n.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: