Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Mas Concerned si Rody na Manira ng Pamilya kaysa maging Good Leader! – Anak ni Kiko

Sa kanyang social media account, bumanat si Frankie Pangilinan laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ayon sa anak ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, mas concerned pa raw si Pangulong Duterte na manira ng maayos na pamilya imbes na maging mabuting pinuno ng bansa.

“Imagine making yourself dinner in your tiny apartment and tucking yourself into bed with a warm blanket only to get a notification informing you your parents are arguing daw. It’s not either of your parent, it’s not your sister, not the dog, it’s Rodi… Like imagine being more convcerned with “ruining” a perfectly happy family instead of being a good leader,” sabi ni Frankie.

Magugunita na noong Nobyembre 30 sa ika-156 Bonifacio Day rites, sinabi ni Pangulong Duterte na gustona raw sipain ni mega star Sharon Cuneta si Kiko sa pamamahay nila. Sa parehas na talumpati, binanatan din ng Pangulo ang batas na sinulong ni Kiko.

“Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo. At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign… Alam mo ba ‘yun si Pangilinan? Kayo, kayo lahat, kayong lahat. Bumilib kayo sa gunggong na ‘yan? ‘Yan ang nag — nag-ano ng batas na hindi mo mahuli 15 years old. They go in and out of prison because of the Pangilinan law. And they go in and out. You ask your police and social workers,” banat ni Pangulong Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cuneta na nagulat siya sa sinabi ni Pangulong Duterte at bakat nagbibiro lang daw ang Presidente.

“Tatay (Duterte) likes to joke sometimes, as you all know, because Kiko’s in the opposition. He has joked a few times against Kiko and about me in the past… I don’t know where this is coming from, honestly. If my husband and I separate, you’ll hear it from me! I don’t think anyone expects an announcement of this sort from the President of their country,” paliwanag ni Cuneta.

Source: News5 | CNN Philippines | CNN Philippines | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén