Local News

‘Mas Inuna pa Magmakaawa sa TV kaysa Kausapin si DU30’ – Radio Host

Pinuna ng radio host at government-aligned blogger na si RJ Nieto (Thinking Pinoy) ang naging hakbang ni Junek Insigne, kapitan ng bangka na nabangga ng mga Tsino sa West Philippine Sea.

Ayon kay Nieto, mas inuna pa daw na magpaunlak ng panayam sa media bago lumapit sa abogado o kaya ay makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Pero hindi, magpapainterview muna siguro sa media bago lumapit sa abogado… Tila mas interesado ang mga ito sa media blitz. Sa halip na makipag-usap kay Pangulong Rody Duterte para ipaliwanag ang kanilang sitwasyon, mas inuna pa ng mga kapitan ng barko na magmakaawa sa National TV,” sabi ni Nieto.

Tumataas din daw ang panganib na mawalan ng kredibilidad sa hukuman ang mga mangingisda dahil sa ilang hindi nagtutugmang mga pahayag ng mga ito.

“Sang-ayon rin ako doon sa sinabi ni Fiscal Darwin na habang parami nang parami ang ibinibigay na media interviews ng mga mangigisda habang isinasantabi ang pag-e-execute ng sworn affidavit, lalong tataas ang risk na mawalan ng kredibilidad sa hukuman ang mga saksing mangingisda.

Ang mga inconsistent public statements ng mga mangingisda ay puwedeng gamitin ng defense laban sa mga complainant, alinsunod sa Section 13, Rule 132 ng Revised Rules of Court,” ayon pa kay Nieto.

Nilinaw naman ni Nieto na may simpatya siya sa nangyari sa mga mangingisdang Pilipino pero habang tumatagal ay hindi niya raw maiwasan na magduda sa mga pahayag ni Insigne.

“Matindi ang simpatya ko sa mga mangingisdang diumano’y sinagasaan ng mga Intsik, at ito rin ang dahilan kung bakit matagal ako bago nag-komento sa isyu dahil naghihintay rin ako ng sworn statement mula sa kanila.

Pero habang tumatagal ang talakayan sa issue, hindi ko maiwasang magduda sa bersiyon ng kapitan ng barko. Dahil kung sigurado ang kapitan ng barko na dapat managot ang mga intsik, ang una niya dapat ginawa ay magsampa ng pormal na reklamo,” dagdag pa ni Nieto.

Source: Thinking Pinoy

Leave a Reply

Theme by Anders Norén