Local News

“Mas Mabuti kung sa Ibang Bansa Tayo Nag-Laro” – Azkal Football Coach!

“Yun nga masama sa loob ko eh, Dapat home field advantage to eh… honestly, mas maganda pa kung dun tayo naglaro sa ibang bansa eh… Mas ma-handle nang mabuti yung ibang bansa yung paano tayo alagaan eh,”

Ganito ang mga boladas ni Azkals assistant coach Ernie Nierras sa nangyaring aberya sa pagdating ng mga ASEAN football teams sa ating bansa par sa Southeast Asian (SEA) Games.

Banat pa ni Nierras, ang footbal daw ang isa sa mga pinakatinataong laro sa mga SEA Games.

“So we’ve been telling them Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC)… please make sure these 17 countries who are coming from the men’s and women’s competition… Magaling naman tayo sa Pilipinas diyan eh, magaling tayo sa last minute, magaling sa tawid gutom. So ngayon, itatawid gutom nalang natin ito para ma-host natin mabuti and magtulungan tayo,” boladas ni Nierras.

Giit pa ni Nierras, dapat ay mas nakipag-ugnayan ang PHISGOC sa Philippine Football Federation (PFF).

“Ang daming pagkukulang pero andun naman yung opportunity to do something better kung sana they worked closer with the Philippine Football Federation… Sino ba may experience? Kung alam mo na paano mo gawin, bakit magiimbento ka pa ng sarili mong sistema? Diba? Kausapin mo na yung Philippine Football Federation,” patutsada pa ni Nierras.

Ang dating football team ni Nierras ay nasangkot noon sa alegasyon ng credit card fraud. Napabalita noon na ang football team management ay nag-book ng airline tickets gamit ang nakaw na credit cards.

Sa isang panayam noong 2014, dumipensa ito sa mga alegasyon.

“I am not the travel agent. Why the player said I used a stolen card is for her to answer. Do I look like a person who will use a stolen card? Why will we do that when everybody knows we fund the WNT [Women’s National Team] beyond what the PFF [Philippine Football Federation] gives the WNT financially?” paliwanag ni Nierras.

Narito po ang isang programa kung saan tinatalakay ang nangyari sa booking ng tickets ng football team gamit ang “reported” credit card.

Source: Philstar | GMA News | Interaksyon | Inquirer | archive | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén