Local News

Maraming mas Importanteng Isyu Kaysa sa ABS-CBN Franchise Bill – Cong. Defensor

Kung may ilang mga mambabatas na kumukuda dahil sa pagpapatigil sa pagsasahimpapawid ng ABS-CBN, hindi naman napigilan ni Anakalusugan Party-list Congressman Mike Defensor na ipaalala sa mga kapwa niya kongresista na dati pang nakabinbin sa mababang kapulungan ang legislative franchise ng Kapamilya Network.

“2014 pa lang nag apply na ABS-CBN – panahon ni Speaker Sonny Belmonte at Pangulong Noynoy Aquino. Bakit hindi inaprubahan ng panahon na yun? 10 buwan palang ang Kongresong ito. Nandyan ang budget, batas sa pagtaas ng mga sweldo ng mga kawani ng gobyerno pagkatapos ngayon COVID na priyoridad ng kongreso. 160 po ang 1st termers ng kongreso at walang alam sa 5 taong naka pending ang prankisa sa Kongreso,” ani Defensor.

Paliwanag pa ni Representative Defensor, mas marami daw na importanteng isyu na dapat talakayin kaysa sa prangkisa ng naturang istasyon. Kinuwestiyon din niya kung bakit ngayon lang nag-iingay ang ilang mambabatas tungkol sa usapin.

“Congress should be tackling more important issues, instead of a private bill that has been languishing in these chambers for the past 2 administrations. I think it is only fair that we ask our colleagues who were here then and who are the most vocal now – what did you do then? Madaming mas importante at mas urgent na dapat kinakaharap ngayon panahon ng krisis. Ano ba ang ginawa nila noong nakaraang dalawang termino sa kongreso?” ani Defensor.

Sa isang social media post, inakusahan naman ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr si Former President Noynoy na siyang humarang sa renewal ng ABS-CBN franchise.

“Noynoy refused to renew the franchise. Was he wrong? Yes & ungrateful. I wanted Lopezes to get it renewed under him because he owed his election to their stupendous coverage of Cory’s funeral. And he escapes blame? Maybe he had a negative—even if I believe wrong—view of ABSCBN.”

Source: Cong. Defensor | Cong. Defensor | Politiko | One News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: