Local News

Mas Maraming Nakumpiskang Shabu sa 3 Taon ng DU30 Govt Kumpara sa Buong Termino ni Aquino – PDEA

“We must be doing something right,”

Ganito ang sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) spokesman Derreck Carreon patungkol sa anti-drug campaign ng Duterte Administration.

Ibinida ni Carreon na sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay umabot na sa 5.24 toneladang droga na ang nakukumpiska ng mga otoridad kumpara sa 3.29 tonelada sa panahon ni dating Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III. Ayon pa kay Carreon, umabot na rin daw sa 14 clandestine shabu laboratories ang nagiba ng otoridad sa ilalim ng Duterte Administration.

Magugunita na sa isang press conference nitong umpisa ng Enero, sinabi ni Vice President Leni Robredo, kapartido at kaalyado ni Aquino, na isang porsyento lamang daw ang nakumpiska ng otoridad simula nang sinimulan ang anti-drug campaign noong 2016.

“Failure talaga siya… Isipin na lang natin kung exam ito, ang magiging score ng ating pamahalaan ay 1 over 100… Kung gusto talaga nating tapusin ang salot ng mga iligal na droga, mga malaking supplier at hindi lang ang maliit na pusher ang kailangan nating habulin… Sa kabila ng lahat ng Pilipinong pinatay at lahat ng perang ginasta, hindi lumampas sa 1 percent ang naipit natin sa suplay ng shabu at sa perang kinita mula sa droga,” patutsada ni Vice President Robredo.

Hindi nagustuhan ni Carreon ang mga boladas ni Robredo. Ayon sa tagapagsalita ng PDEA tila minamaliit daw ni Robredo ang mga sakripisyo at pagbubuwis ng buhay ng mga alagad ng batas.

“We are really in uproar about this… It’s like downplaying the sacrifices of all those people who put their lives and limb on the line everyday,” sabi ni Carreon

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na galing sa “wild guess” o “hula” ang datos na pinagbasehan ni Robredo para sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) report nito.

“It’s even conservative compared with the estimate of the PDEA… Nobody can really tell, that’s why we just had a discussion to really have an appreciation on how big the problem is,” ayon kay PNP Spokesperson Banac.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén