Local News

Mas Mataas ang Rating ng Presidente kaysa kay Leni dahil sa Makinarya ng Komunikasyon! – Robredo Camp

Nitong nagdaang araw ay natuwa ang mga supporter ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia. Umangat kasi sa 91% ang trust rating na nakuha ni Pangulong Duterte kahit na panay ang batikos ng oposisyon sa tugon ng gobyerno sa covid-19 pandemic.

Si Vice President Leni Robredo naman ay nakakuha lang ng 50% trust rating. Agad namang nagbigay ng kanilang opinyon ang kampo ni Robredo. Ayon sa tagapagsalita nito na si Atty. Barry Gutierrez, wala raw kasing makinarya ang opisina ng bise presidente para ipamahayag ang mga ginagawa ni Robredo.

Inangalan din ni Gutierrez ang atakeng ginagawa daw laban kay Robredo sa social media.

“I think the problem is more with respect to people finding out, or getting informed about what the Vice President is doing. Unlike the administration—the President, for example—where clearly, you know, millions of Filipinos will be able to receive financial assistance from their local governments, and it will be attributed to the administration as a whole… The VP does not have that particular luxury. And since we don’t really have access to the same level of communications infrastructure as Malacañang, and we are under constant attack by trolls and other people who persist in spreading fake news online about the VP, we’re really hitting a disinformation wall and we have to deal with that every day that we are striving to work for the Filipino public,” sabi ni Gutierrez.

Magugunita na pinagsabihan ni Presidential Spokesperson Harry Roque si Robredo na huwag mamulitika sa panahon ng pandemiya para tumaas-taas ang trust rating nito.

“Naku, Madam VP, mukhang tama ang aking sinasabi. Ayaw yata ng mga Pilipino na namumulitika sa panahon ng pandemiya.

Subukan nating itigil ang pulitika. Baka po tumaas nang mas mataas sa 50% ang trust rating at mataas pa po sa 57% ang performance rating niyo,” banat ni Roque.

Source: INQ | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: