Local News

‘Mas Matindi ang Anti-Terror Law ng Australia!’ Catriona Gray, Supalpal kay Lacson!

Butata ang inabot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa naging tugon ni Senador Ping Lacson tungkol sa isyu ng anti-terror bill.

Magugunita na isa si Gray sa nagsalita laban sa panukalang batas at gumamit pa ng hastag na #JunkTerrorBill.

“There is so much happening in the world and in our nation right now, and I know a lot of us want to just tune out because it all gets a bit overwhelming. But please, don’t allow that to be the reason we revert into silence and turn a blind eye… Im not here to influence you to think a certain way, but I hope I can influence you to think for yourself. #JunkTerrorBill,” boladas ni Catriona.

Kalaunan ay iniba ni Gray ang depenisyon ng kanyang social media post at sinabing gusto niya lang daw i-revise ang panukalang batas.

“Making the stand of #JunkTerrorBill does not equate to supporting violence or terrorist… #JunkTerrorBill is a call to #ReviseTerrorBill (becasue it can be… and should be better), if the need is indeed urgent during this time,” sabi ni Gray.

Hindi naman pinalampas ni Senador Lacson ang mga boladas ni Gray. Sa kanyang panayam sa radio, ipinaalam ni Lacson kay Gray na hinango ang anti-terror bill sa mga kanluraning mga bansa tulad ng Estados Unidos at Australia na mayroong matatatag na demokrasya.

“Itong (proposed) anti-terrorism act, hinango sa batas ng US, Australia, European Union. Karamihan dito kinopya natin doon… ito yung mga strong democracy… Ang Australia, halimbawa, very strong democracy kaya medyo ano ako — with all due respect, kay Miss Universe Catriona Gray, ‘di ba Australian siya? — e kumokontra rin siya. Pero yung batas sa Australia mas matindi sa batas natin. Hinango natin ang ibang portion ng batas sa Australia…Kasi we cannot do it alone because mayroon tinatawag yung international o universal standard,” sabi ni Lacson.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: