Local News

“Mas Matindi pa sa Suntok ni Ugas” English Carabao ni Pacquiao, Pinagtawanan ng Journalist!

Sa kaniyang Youtube channel, ginawang katuwaan ng investigative journalist na si Manuel Boy Mejorada ang pagsasalita ng english ni Senador Manny Pacquiao. Ayon sa mamamahayag, pilit daw nagsasalita ng english si Pacquiao para magmukhang maganda ang imahe nito. Puna pa ni Mejorada, binabasa na nga lang daw ni Pacquiao ang pahayag nito pero utal-utal pa rin daw ang boksingerong senador.

Pinayuhan naman ni Mejorada si Pacquiao na magsalita na lang sa wikang Pilipino. At kahit pa na ginawa niyang katuwaan ang pagsasalita ng english ni Pacquiao ay naaawa din daw siya dito dahil halata daw na hirap na hirap ang boksingerong senador.Ayon kay Mejorada, tila kinakalaban daw ni Pacquiao ang 2 ugas habang nagsasalita ito ng english.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: