Local News

“Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo.”- Angel Locsin

Ilang araw na ang nakalipas matapos ang ginanap na Halalan noong Mayo 9, ngunit ramdam pa rin ng karamihan ang diwa ng nagdaang eleksiyon. Sa katunayan, maugong pa rin ang iba’t ibang opinyon, saloobin at komento ng taumbayan ukol dito. Maging ang mga kilalang personalidad ay kapansin-pansing patuloy pa ring nagpapahayag ng kanilang pananaw.

Sa social media account ng sikat na aktres na si Angel Locsin, nagpost ito ng ilang larawan kung saan makikitang kasama niya si VP Leni Robredo at iba pa. Dumalo ang aktres sa isinagawang Thanksgiving Rally ng tambalang Leni-Kiko para sa kanilang mga tagasuporta na ginanap sa Ateneo de Manila University. Kilalang masugid na tagasuporta ni Robredo si Locsin.

Ganito ang mababasa sa caption ni Angel Locsin sa kanyang Facebook post:

About last night 💕
Naipit man sa traffic ng apat na oras, masaya’t nakahabol sa thanksgiving rally 🙂
Thank you VP Leni for showing grace in defeat last night. A true leader indeed. Reminding us na isa sa mga ipinaglaban natin ay ang demokrasya. Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority—bilang ka isang bansa.
For our country’s sake, I’m rooting for our presumptive president, vice president, & senators. I’m hoping they’ll do better than our past leaders 🙏🏻 I am a Filipino citizen hoping to be proven wrong. Masasabi ko hong ikakasaya ko ho kung mali kami at tama kayo.
I understand na minsan mahirap, kaya kapag tingin ninyong kaya nyo na, ituloy ang “radikal na pagmamahal”. Otherwise, hanggang slogan lang pala tayo kung ganun.
Despite everything, Saludo sa lahat ng tumindig 🙌🏻 Hindi ko makakalimutan ang pagmamahal sa bayan na pinakita ninyo. Huwag hayaang mabalutan ng dilim ang liwanag na nasa puso ninyo. Ngayon, higit pa man, mas kailangan kayo ng bayan. Buksan ang inyong mga mata at puso para sa bayan.
Kapag nalulumbay, pakinggan ang kantang “Rosas” at alalahain na hindi ka nagiisa. Karamay mo kami. Salamat Nica Del Rosario 🤗 nasambit mo ang nararamdam ko. Napakaganda ng iyong pag kanta at pagkasulat 🙌🏻
Maraming salamat po uli VP Leni sa inspirasyon. Happy for you that you’ll finally get to rest and spend time with your family. Goodluck po sa Angat Buhay Foundation! 🙂
Salamat at finally may “groufie” na ako sa mga kapatid ko! (Chos lang po 😄)

Source: Angel Locsin Facebook Page

Leave a Reply