Local News

‘Masyado kang concerned sa mga Nawawalang Estudyante’ – Sara Elago

Ngayong umaarangkada na ang senate investigation patungkol sa mga estudyanteng nawalay sa mga magulang matapos sumapi sa leftist group na Anakbayan, bumoladas ngayon si Kabataan Partylist Representative kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Elago, mas dapat daw pagtuunan ni Bato ng pansin ang mga batang naulila dahil sa Oplan Tokhang ng Duterte Government.

“I just want to remind Senator Bato Dela Rosa that as much as he is very concerned about this case, I recommend that he answer and brng justice to thousand of Filipinos killed by Oplan Tokhang. Thousand of kids were orphaned because their parent were killed by Oplan Tokhang. Bakit parang pusong bato naman tayo sa mga pinaslang at winasak na pamilya ng Oplan Tokhang? Ilang taon na mula nang naipasa ito, pero wala pa ring hustisya,” angal ni Elago.

Si Senador Bato ang nangunguna ng senate investigation patungkol sa mga kabataang humiwalay sa mga magulang matapos sumanib sa leftist organization na Anakbayan.

Magugunita na inimbitahan si Elago sa senate hearing, pero sa isang pahayag, sinabi ng kongresista na kaya hindi siya nakadalo sa pagdinig ay dahil sa “prior commitment” at “short notice”.

Kahapon, nagbigay din ng matinding banat si Senador Bato laban kay Elago. Ayon sa senador, darati din ang pagkakataon na magiging magulang din si Elago at dito daw mapagtatanto ng kongresista kung gaano kasama ang pinagagawa nito sa kabataan.

“Ang message ko kay Sarah Elago, ikaw congresswoman ka, ako senador, kalimutan natin ang pagiging lawmaker natin. I-consider natin na kapwa tao lang tayo o ordinaryong tao. Sabihan ko siya na , magiging nanay ka rin, magiging parent ka rin, and you will discover kung gaano kasama ang ginawa mo sa kabataan. ‘Yan ang sabi ng former rebe kahapon (sa senate hearing). Noong naging ma=other siya, na-realize niya na dapat protektahan mo ang anak mo” sabi ni Senador Dela Rosa.

Source: News5 | News5

Leave a Reply