Local News

“Masyado ka naman garapal….” Radio Host, Binanatan si Grace Poe!

Hindi nagustuhan ng radio host at tagasuporta ng gobyerno na si Mark Lopez ang ginawang pagkuwestiyon ni Senadora Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa sitwasyon sa Metro Rail Transport-3 (MRT-3).

Banat ni Poe sa DOTr, madalas na lang daw may problema ang mga tren sa MRT-3 at tila lumulubha pa ang lagay ng naturang transport system. Dapat din daw magpaliwanag ang ahensiya sa publiko dahil dito.

“Halos linggo-linggo na ang aberya sa MRT. Bakit parang lumalala pa ang kundisyon ng train habang kinukumpuni ito?… The DOTr should explain to the people how it intends to solve this to allay the fears of the passengers,” sabi ni Poe.

Ang pahayag ni Poe ay agad sinagot ng DOTr sa kanilang social media account. Ayon sa DOTr, walang katotohanan na lalong lumalala ang lagay ng MRT-3. Sa katunayan ay bumuti pa nga raw ito.

“Una, nais po naming liwanagin, once and for all, na hindi totoong mas lumalala ang estado ng MRT-3 ngayon. Sa katunayan, malaki ang ibinaba sa bilang ng unloading incidents sa MRT-3 kumpara noong mga nakaraang taon. Mula Enero hanggang Hunyo 2016, bago pumasok ang administrasyong Duterte, nakapagtala ng 333 unloading incidents ang MRT-3, kumpara sa 14 unloading incidents lamang na naitala mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2019,” paglilinaw ng DOTr.

Kalakip ng social media post ng DOTr ay ang istatistika na nagpapakita ng pagbuti sa sitwasyon sa MRT-3.

Hindi tuloy napigilan ng radio host na magbigay ng reaksyon sa naging pahayag ni Poe laban sa DOTr. Sa kanyang Facebook post, tinawag ni Lopez na isang sinungaling ang senadora. Ayon pa kay Lopez, dapat daw ay kinonsulta muna ng senadora ang DOTr bago ito naglabas ng pahayag sa media.

“Dear Senator Grace Poe,

Ma’am mukhang madalas na ang sablay nyo ah.

And masyado naman pong garapal ang paggamit nyo sa mainstream media para mamulitika.

Imbes na magpadala kayo ng notice to explain sa DOTr MRT eh sa media kayo bumanat, at kahit palabasin pa ng mga news outlets na kunwari iba iba headlines eh halatang halata naman na press release ng opisina mo yan.

And you know what is worse Madam?

Napaka dumi ng banat mo dahil wala ka naman datos o intel na hawak para ka magbitaw ng ganyan banat.

Napaka sinungaling mo Madam.

And nakaka dismaya yang pangaggag* mo.

Sayang ka Madam. Akala ko ok ka pero may kutob ako ngayon na malamang nakikipag sabwatan ka na sa mga dilawan para maka pwesto ka sa hierarchy nila at ma consider ka bilang standard bearer nila sa 2022.

Yun lang, kitang kita ngayon na wala kang pinag kaiba sa mga epalitiko katulad ng mga Binay.” sabi ni Lopez.

Source: DOTr | Inquirer | Inquirer | Mark Lopez | archived

Leave a Reply

Theme by Anders Norén