Local News

“Masyadong Garapalan na!” Broadcaster, Beastmode kay Speaker Cayetano!

Sa kanyang programa, hindi napigilan ng beteranong broadcaster na si Mike Abe banatan ang mga pinaggagagawa ni House Speaker Alan Cayetano at mga kasamahan nito sa kongreso patungkol sa isyu ng ng prangkisa ng ABS-CBN. Buwelta ng mamamahayag, imbes na tutukan ang covid-19 outbreak ay inaatupag daw ng mga mambabatas ang pribadong franchise bill.

“Malaking pera at mahabang oras na ang ginugugol ng kongreso at senado sa iisang isyu, ang ABS-CBN franchise. Mula po noong May 4 nang bumalik sila sa trabaho after 2 months ng kanilang recess, wala na silang ginawa hanggang kagabi kundi ABS-CBN pa rin ang topic nila at kahit sa senado ganun rin. Inuulit ko ang sinabi ko noong nakaraan, wala na ba kayong delikadesa? Wala na ba kayong kahihiyan? o talaga wala kayong hiya? Pinapasweldo kayo ng taumbayan. Ang laki ng ginagastos natin everyday tapos ang pinag-uusapan prangkisa ng ABS-CBN.” banat ni Abe.

Partikular na niratsadahan ni Abe ang tila pag-aabogado ng mga kongresista at senador sa ABS-CBN. Hindi rin nakaligtas kay Abe ang diumano’y koneksyon ng law office ng mga Cayetano sa Kapamilya network.

“Alam niyo Mr. Speaker, itong nangyari sa iyo sa kapalpakan na ito, kung mayroon ka lang delikadesa, dapat ay umalis ka na diya sa pwesto mo… Pinapangako pa na gagawin nila ang lahat (para ipasa ang ABS-CBN franchise). Mas masarap pakinggan na gagawin niyo ang lahat para malabanan ang covid-19. Gagawin niyo ang lahat para matulungan si Pangulong Duterte. Ang sarap pakinggan niyan. Pero ang sinasabi mo gagawin mo ang lahat para sa ABS-CBN, ano kaya kung umalis ka na sa kongreso at maging abogado ka na ng ABS-CBN. Anyway, talaga naman na Cayetano & Sebastian law office ay abogado ng ABS-CBN, on record iyan,” patutsada pa ni Abe.

Ang ABS-CBN ay inatasan ng National Telecommunication Commission (NTC) na huminto sa pag-e-ere dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito noong ika-5 ng Mayo.

Source: SMNI

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: