Local News

‘Masyadong Nagdusa na ang Institusyon, Dapat I-preserve ang Demokrasya ng Next President’ – Leni

Sa kanyang pagsasalita sa Rotary Club of Manila, sinabi ni Vice President Leni Robredo na lubos daw na nagdusa ang mga institusyon nitong mga nagdaang mga taon. Ayon kay Robredo, napapakailamanan daw ng ibang sangay ng gobyerno ang hudikatura (judiciary) at Lehislatura (congress).

“That would be strengthening institutions. Our institutions have suffered a great deal over the past several years. Judiciary, Congress, and many other government offices. Pinakamahalaga sa demokrasya, ‘yung bawat institusyon, naaasahan. Not just about a particular case. Iyong mas pangkalahatan… dapat siguraduhin natin na ang mga institusyon… iyong Judiciary, Congress, nilalayo sa pakikialam ng ibang sangay ng pamahalaan,” boladas ni Robredo.

Mapapansin na hindi isinama ni Robredo ang executive branch sa mga sangay ng gobyerno na diumano’y napapakailamanan ng ibang sangay. Ang mga binanggit lang ni Robredo ay ang judiciary at congress. Ang executive branch o ehekutibo ay pinamumunuan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kung magkakaroon daw ng tsansa na siya ay maging Presidente, hindi niya daw hahayaan na magkaroon ng political intervention upang mapreserba ang domekrasya sa ating bansa.

“That [strengthening of institutions] is paramount to our preserving democracy, paramount to protecting the rights of our people, businesses included. I think that is the first thing that anyone who comes after this administration should do,” dagdag pa ni Robredo.

Ayon pa kay Robredo, kapag nadungisan daw ng political intervention ang mga institusyon sa gobyerno ay nawawalan ng tiwala ang mga tao sa pamahalaan.

“Dapat sinisiguro natin na hindi nababahiran ng duda ang mga ito sa pagdedesisyon, pagpapasa ng batas, kasi kapag nabahiran ng duda, magiging dahilan ito ng pagkawalang tiwala sa pamahalaan,” patutsada ni Robredo.

Nilinaw naman ni Robredo na wala siyang hangad na maging Presidente ng bansa.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén