Local News

Panoorin: ‘Matapang at Mayabang’ na Jeepney Driver, Kinumpronta ni Mayor Isko!

Hindi naka-ubra kay Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang driver ng jeepney matapos itong makitaan ng paglabag.

Sa kanyang pagronda sa lungsod ng Maynila kagabi at habang papunta sa isang ospital, namataan ni Mayor Isko ang isang jeepney na iligal na nakaparada. Pinakiusapan pa noong una ng Punong Lungsod ang driver pero dahil hindi alam ng tsuper na ang kumakausap sa kanya ay ang alkalde kaya pabalang-balang itong sumagot.

“Brad, brad baka gusto mong umabante?” paki-usap ni Mayor Isko sa jeepney driver.

“Eto na nga umaabante na nga eh!” pabalang na sagot ng driver.

Dahil sa naging sagot ng driver, hindi naiwasan ni Mayor Isko na mairita. Para bang ayaw kasi ng driver na napupuna sa maling gawain. Lumabas si Mayor Isko sa kanyang sasakyan at harapang kinumpronta ang driver. Kinuha din nito ang lisensiya ng tsuper.

Teka lang ha… matapang pa eh, hulihin mo nga chief,” atas ni Mayor Isko sa isa sa kanyang mga tauhan.

Matapos makilala ng driver si Mayor Isko ay bigla na lang itong napakamot sa ulo at humingi ng paumanhin.

“Noong sinisita mo ang yabang pa eh… tapos noong hinuhuli na namin lahat na ng kuto inabot, pati lisa yata nagkaroon sa ulo eh puro kamot ang inaabot, pati tiyan binalakubak kasi kinakamot eh… Mga kababayan, hindi komo alas dose ng hating gabi babalandra sa kalye wala kayong kusa… pag hinuhuli kayo anong nangyayari? lahat ng kuto inaabot niyo, kamot dito kamot doon,” banat ni mayor Isko.

Kinumpiska din ni Mayor Isko ang lisensiya ng isang delivery truck driver matapos itong makitang iligal na nag u-turn. Nagbabala ang Punong Lungsod ng Maynila sa driver na huwag nang sumuway sa batas trapiko sa susunod at ibinalik ang lisensiya nito .

“May gobyerno na ang Maynila ah,” paalala ni Mayor Isko.

Source: Mayor Isko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén