Local News

Matapos I-call ng Malacañang ang Bluff na Sibakin si Leni, Kiko Umalma!

Naging laman ng balita kagabi ang pagsisante ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee Against Illega-Drugs (ICAD).

Dahil sa nangyari sa kanyang kapartido, umalma si Senador Francis “Kiko” Pangilinan. Sa isang pahayag, sinabi ng senador na ang ginigiyera daw si Robredo at ang pagsibak dito ay para takpan ang nangyayari sa Southeast Asian (SEA) Games.

“Pinatuyan din nitong pagtanggal kay VP Leni na wala silang isang salita. Sa katunayan, yung palpak na war on drugs ginawa nilang war on VP,” boladas ni Senador Pangilinan.

“At dahil sa maraming kapalpakan sa [SEAG] ang naglilitawan ngayon, pwede ring ginagamit na panakip-kaldero o panglihis sa mga anomalya ang pagtanggal kay VP Leni as ICAD co-chair,” dagdag pa ng mambabatas.

Nabigla din daw ang Malacañang sa ginawang pagtanggap ni Robredo sa posisyon at isa daw sa dahilan kung bakit sinibak si Robredo ay baka lalong lumawak ang suporta sa bise presidente.

“Malacañang did not just blink. Parang silang napuwing nang todo-todo. Umatras,” patusada pa ni Pangilinan.

“Dahil sa takot at pangamba na lalo pang lumawak ang suporta kay VP Leni bunga ng mas maayos at higit na epektibong kampanya laban sa iligal na droga, agad-agad nilang tinanggal siya sa ICAD,” ayon pa kay Pangilinan.

Magugunita na inilathala ng Philstar ang hamon ni Senador Pangilinan sa Malacañang na sibakin na lang si Leni imbes na maliitin ito.

Sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kagabi, sinabi nito na ang pagsibak kay Robredo ay tugon sa hamon ni Pangilinan na sisantihin na lang ang bise presidente.

“This is in response to the suggestion of Liberal Party President, Senator Francis Pangilinan, to just fire the Vice President from her post. This is also in response to the taunt and dare of VP Robredo for the President to just tell her that he wants her out,” pahayag ni Panelo.

Source: Manila Bulletin | Philstar | Presidential Spokesperson

Leave a Reply

Theme by Anders Norén