Local News

Matapos Magalusan si DU30 sa Motorsiklo, LP Gustong Malaman ang Full Health Records ng Pangulo!

Matapos ang aksidente kung saan nagalusan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa pagsakay ng motorsiklo habang nasa Presidential Security Group (PSG) Compound sa Malacañang, gustong makita ng opisyal ng Liberal Party na si President Erin Tañada ang full at proper disclosure ng health at hospital records ni Pangulong Duterte.

“Any accident involving the President is a cause of national concern and interest. There must be full and proper disclosure of his health and hospital records. Malacañang should release a physician’s report of the incident that includes the President’s overall well-being,”

Ayon sa External Vice President ng Liberal party, maaaring isa daw sa naging dahilan ng aksidente ni Pangulong Duterte sa motorsiklo ay ang mga sakit na inamin noon ng Presidente tulad ng myasthenia gravis, Buerger’s Disease, Barrett’s Esophagus, at Gastroesophageal reflux disease.

Base sa naging pahayag ng tagapagsalita ni Pangulo na si Secretary Salvador Panel, may inaabot lang daw ang Pangulo sa sapatos nito nang biglang nahulog na naging dahilan ng kaunting gasgas at galos.

Hindi naman naiwasan ng dating mamamahayag na si Jay Sonza na banatan ang opisyal ng Liberal Party. Ayon kay Sonza, sinakyan daw agad ang isyu at madali daw mauto ang mga kritiko.

“Napaka-naive at gullible ng liberal party. akalain mong sakyan nila iyong pinalutang na “motor bike accident.” na out balance si digong habang nakapark iyong motor na papaandarin pa lang.
pinaputok iyong “balita” precisely to check on the political perculator. sumakay naman kaagad sina tanada na kailangan maglabas ng medical bulletin,”
banat ni Sonza.

Para pa kay Sonza, nagkukunwari daw na concern ang mga kritiko at gustong-gusto na daw makabalik muli sa Palasyo.

“atat na atat silang makapasok muli sa Malacanan. akala mo naman concern. kesyo, paano daw haharap ang pangulo sa pinuno ng India kung may mga pasa at sugat si duterte. sa totoo lang, pinagtatawanan lang kayo ng mga kulukoy ng Davao. Wrong reading of the unorthodox promdi leader,” buwelta pa ni Sonza.

Source: GMA News | Jay Sonza | ABS-CBN | Manila Bulletin | Sherrie Ann Torres

Leave a Reply

Theme by Anders Norén