Local News

Matapos Makinabang sa Buwis, Iskolar ng Bayan Minura ang Gobyerno!

Viral ngayon ang kabalbalan ng iskolar ng bayan na si Jejomar Contawe matapos niyang i-post sa social media ang graduation picture. Sa nasabing litrato, minumura ni Contawe ang gobyerno sa pamamagitan ng hawak niyang placard na may naksulat na “ISKOLAR NG FILIPINO TAXPAYERS. HINDI NG FU— GOVERNMENT”.

Dahil sa pinagsasabi ni Contawe ay nakatikim ito ng sari-saring batikos mula sa mga netizens.

Ilan sa mga nagbigay ng reaksyon sa pboladasni Contawe ay ang abogado na si Nick Nañgit.


“Nakapagtapos diumano itong si Jejomar Contawe sa Tarlac State University (“TSU”) at lumabas sa litratong ito na iskolar daw siya ng mga Pilipinong nagbayad ng buwis at hindi ng minumura niyang pamahalaan.
Ating talakayin ang baluktot niyang pag-iisip.

Una, oo nga’t sa mga nagbayad ng buwis nanggaling ang tinamasa niyang pag-aaral sa isang pampublikong pamantasan, subali’t hindi niya nauunawaan kung paano napunta ang buwis sa pamantasang iyon.
Ang buwis ay hindi aandar mag-isa.

Kinakailangan muna na may panukalang batas na mag-uutos na bayaran ang buwis. Sa Kongreso magsisimula ito. Ang panukalang batas na ito ay kinakailangang pirmahan din ng Pangulo, para maging batas. Sunod, kinakailangan gawan ang batas ng mga alituntunin sa pamamagitan ng mga regulasyon ng ahensyang naatasan para ipatupad ang batas at makolekta ang buwis, at iyan ay ang BIR.

Ngayon, kinakailangan ding may batas, para makapaglaan ng pondo ang pamahalaan na gagamitin ng TSU. Ito ay ang General Appropriations Act (GAA) at ang charter mismo ng TSU.

Kapag nakolekta na ng BIR ang iba’t ibang uri ng buwis, ililikom ito ng Bureau of Treasury (“BT”) at ire-release lamang ng Department of Budget and Management (“DBM”) ang pondo ayon sa GAA.

Sa pamamagitan ng pondong iyan, at iba pang maaaring panggalingan ng kaperahan ayon sa charter ng TSU, ay mababayaran ang mga gastusin nito, gaya ng maintenance ng mga gusali, pambili ng mga equipment, pasahod sa mga guro at iba pang non-teaching personnel, at bahagi ng tuition ng mga mag-aaral (kung hindi man buong-buo).

Pwes, bakit mo Contawe mumurahin ang pamahalaan e kaya ka nga nakapag-aral ng mababa ang iyong binayarang matrikula (o baka nga wala pa) dahil iyan sa buong mekanarya ng pagpapatakbo ng pamahalaan?” banat ni Nañgit.

Source: News5 | Nick Nañgit

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: