Local News

‘Matinding Babala sa Opisyal ng Pinas’ ang Ginawa ng US Senators – Risa

Para kay Akbayan at opposition senator Risa Hontiveros, ang pagkaka-apruba ng United States senate panel sa panukala na pagbawalan na makatungtong sa Estados Unidos ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na kasama sa pagpapakulong kay Senadora Leila De Lima ay isang matinding babala.

“This is a stern warning to all those who rose to power in our country through killing and human rights abuses,” boladas ni Hontiveros.

Naniniwala din si Hontiveros na hahabulin din daw ng hustisya ang mga ito.

“And the world will act. There is a day of reckoning. Justice will eventually cath up with all of you,” saad pa ni Hontiveros.

Nitong mga nakalipas na araw ay nagpahayag ng pagkagalak ang senador mula sa Estados Unidos na si Dick Durbin tungkol sa pagkakapasa ng resolusyon sa US senate panel para pagbawalan makapasok ng Amerika ang mga Pilipinong Opisyal na naging dahilan para makulong si De Lima.

Good to see the Senate Appropriations Committee pass my amendment with @SenatorLeahy today to prohibit entry to any Philippine Government Officials involved in the politically motivated imprisonment of Filipina Senator Leila de Lima in 2017. We must #FreeLeilaNow. sabi ng Amerikanong Senador.

Basahin ang naging tugon ng ilang kababayan natin sa pahayag ni Hontiveros.

“Hindi po kawalan kng pinagbabawal ng America na pumunta sa kanilang bansa ang ating mga opisyal. Malaki po ang mundo at mas maraming mas magagandang tanawin ang ibang bansa kesa sa pinagmamalaki ng US Senator na ito,” sabi ni D. Fonacier.

“Akala ko ba sa mga Akbayan at mga NPA na yan eh ayaw nila sa Amerika at tutulan ang mga policy ng pasistang Kano. Pure sheer of hypocrisy ang mga pweta,” sabi ni H. Salcedo.

“Idamay na din dapat ng US Senate yung mga kamag anak na mga US Citizens na alisan ng citizenship at pauwiin sa Pilipinas yung mga relatives ng mga sangkot na Senators sa pag papakulong kay Leila Delima para mas effective at maramdaman nila..ha ha ha…bakit kasi pakialaman ang gobyerno natin eh hindi naman tau amerikano…iban din dapat yung mga US Senators na yan dito sa bansa natin…akala nila sila lang….,” sabi ni S. Buklod.

Source: News5 | ABS-CBN

Leave a Reply