Local News

‘Matinong tao si Kiko!’ Sharon Cuneta, may Boladas laban sa mga Bashers!

Nitong nagdaang araw ay naging laman ng balita si Sharon Cuneta at ang pamilya niya. Ito ay nag-ugat sa sagutan ng anak niyang si Frankie Pangilinan at sa batikang broadcaster na si Ben Tulfo ukol sa isyung sa rape.

Mas lalong naging laman ng social media ang pamilya ni Cuneta nang magbabala siya sa isang netizen na nagpost ng pagbabanta kay Frankie.

Ngayon ay naglabas ng sama ng loob si Cuneta ukol sa batikos na natatanggap niya at ng kanyang pamilya.

“I still cannot understand how many can hurt others like it is nothing to them, even when those they hurt couldn’t even THINK of hurting other people for no reason except to do so. Where is my countrymen’s moral compass… Kay tatapang na nating magbitiw ng di lang masasakit kundi di malunok na mga salitang parang hindi tayo magkakababayan. Masyado nang tinotolerate, kundi man ine-encourage – at karamihan ay binabayaran pa para manira ng kapwa… Sa showbiz kung saan lumaki ako, sanay kami sa intriga. At alam namin kung sino ang nang-iintriga sa amin. Sanay kaming humaharap sa isa’t-isa sa interviews at sa sagutan hanggang magkalinawan. Ngayon, anumang bukambibig ko, ng sinoman sa mga anak kong may kanya-kanya namang isip, ay pipilipitin at ididikit sa anumang ginagawa o sinasabi ng kanilang ama sa pagiging politiko niya. Damay kami kahit may iba’t-iba naman kaming issue. At ang baluktot, pilit itinutuwid. Ganyan na pala tayo kababa ngayon bilang mga Pinoy. Di lang pala chismis,” boladas i Cuneta.

Dinepensahan din ni Cuneta ang kanyang asawa na si Senador Kiko Pangilinan.

“Kaya nga ako nag-asawa kasi matinong tao si Kiko, at gusto ko tumahimik na ng paunti-unti ang buhay ko. Lalo lang palang gugulo… Mas naaappreciate ko ang showbiz ngayon … pagmamahal at intriga lang ang haharapin mo; madaling ayusin ang intriga, libre at napakasarap ng minamahal ka ng walang panig panig tulad ng politika,” ani Cuneta.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: