Local News

Matira Matibay! Duterte, Hindi Babayaran ng P7 Billion ang Manila Water!

Kahit naglabas na ang Singapore Arbitration court ng hatol na dapat magbayad ang gobyerno ng Pilipinas ng P7.39 billion sa Manila Water, nanindigan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi magbabayad ang kaniyang gobyerno sa naturang water company.

” Mga g*** itong p***** i**** ‘to. Kaya ito sabi ko yayariin ko ito sila. ‘Pag dinemanda nila tayo diyan sa se… Hindi magbayad ng seven million. P***** i**. L**** kayo. Ipakain ko ‘yang pera sa kanila. Totoo,” banat ni Pangulong Duterte.

Muling iginiit ni Pangulong Duterte na isinangkalan ng mga water companies ang taumbayan para kumita ang mga ito. Itutuloy din daw niya ang paghabol sa mga water companies at mga politiko na gumawa ng dehadong kontrata.

“… I can assume that money really talks. Sabihin ni Ayala, “Wala.” Huwag mo akong bolahin l**** ka, pati kayo. Don’t f*** with me. I know you. Nilaro ninyo ‘yung Pilipino sa pera. Sabi ko, I will pursue this. If this is
the only thing that I can achieve in this — in my administration, ito na lang. Bibirahin ko talaga economic plunder,”
patutsada pa ni Pangulong Duterte.

Sinegundahan din ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang paninindigan ni Pangulong Duterte. Hindi raw kikilalanin ng gobyerno ang nasabing kontrata.

“Hindi kasi nga onerous ang kontrata. Masyadong disadvantageous sa gobyerno… Meron tinatawag na mga kontratang labag sa public policy. Pag ‘yan ay napatunayan ng hukuman, ‘yan ay ina-annul… Nagiging problema kasi nga yung mga kumakatawan sa gobyerno hindi interes ng kanilang pinaglilingkuran, interes ng kabila kaya ganyan ang nangyayari… Yung kontrata nakalagay dun pag sila’y nalugi for whatever reason e kailangang bayaran natin sila. Saan ka naman nakakita,” paliwanag ni Secretary Panelo.

Nitong umpisa ng Disyembre ay ibinunyag ni Pangulong Duterte ang kontratang ng goyerno sa mga water companies kung saan dehado umano ang taumbayan.

Source: PCOO | PNA | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén