Local News

‘Mawawalan na ng Saysay ang UP, Kung Tatanggalan kami ng Academic Freedom’ UP President, Bumoladas!

Nagbigay na ng pahayag ang opisyal si University of the Philippines (UP) President Danilo Concepcion ukol sa pagbasura ng Department of National Defense sa UP-DND Accord. Sa UP-DND Accord ay kasunduan kung saan nakasaad na hindi basta-basta makakapasok ang pwersa ng gobyerno (pulis at sundalo) sa loob ng naturang eskwelahan.

“Kung ang UP ay tatanggalan ng academic freedom sa ano mang pamamaraan, ang UP ay mawawalan ng saysay at kabuluhan… Instead of instilling confidence in our police and military, your decision can only sow more confusion and mistrust, given that you have not specified what it is that you exactly aim to do or put in place in lieu of the protections and courtesies afforded by the government… By and large, intellectual and political dissidents in UP have always been in the minority, but it is a critical minority that has historically been vital to the maintenance of a healthy democracy,” sabi ng opisyal ng UP.

Ipinaliwanag naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kahalagahan ng pagbabasura ng nasabing kasunduan. Ayon sa kalihim, nagiging daan daw ang UP para makapanghikayat ang mga rebeldeng komunista. Natuklasan din nila na may ilang estudyante ng UP ang cadre na ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP – NPA).

“The agreement has become obsolete… University of the Philippines has become the breeding ground of intransigent individuals and groups whose extremist beliefs have inveigled students to join their ranks to fight against the government…The Department of National Defense will neither renege nor shirk on its duty to protect the rights of the majority,” sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Source: PTV | Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén