Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

‘May Banta sa Buhay ni Erwin’ Raffy, Nangangamba na para sa Kapatid!

“Sobra na. Tama na. Labis na po iyan,”

Matapos i-recall ng otoridad ang security details ni Erwin Tulfo at ng kanyang mga kapatid, nakarating ngayon sa kaalaman ni Raffy Tulfo na gustong i-review pa ng mga taga-Crame ang Permit to Carry Firearm ni Erwin.

Ayon kay Raffy, hindi na daw dapat siya magsasalita tungkol sa isyung kinakaharap ni Erwin at ni DSWD Secretary Rolando Baustista pero nangangamba siya sa kaligtasan ng kanyang kapatid.

“Yung Firearms and Explosive and Ordinance Division ng Camp Crame, they are set to review the PTC or Permit to Carry Firearms ni Erwin. At ang susunod na move niyan ay siya po ay didisaramahan,” sabi ni Raffy.

Nalagbas ng hinanakit si Raffy dahil isa siya sa naghikayat kay Erwin na humingi ng paumanhin kay Baustista matapos punahin ng husto ng kanyang kapatid ang kalihim programa nito.

“Isa po ako sa nag-udyok kay Erwin ng mag-apologize at sinunod niya po iyon. Nagpakumbaba na ‘yung tao. Now, kung nagpakumbaba na ‘yung tao, sumurender na, nakataas na ‘yung kamay, bakit hindi pa rin niyo matanggap kung sino man kayo diyan?” ayon pa kay Raffy.

Ipinaalala ni Raffy sa mga nagbabalak na tanggalan ng armas si Erwin na isa ang kapatid niya sa masugid na tagapagtanggol ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“Para sa kaalaman po ninyo. Kung sino man kayo na nagalit kay Erwin na nasa gobyerno din. Si Erwin is one of the most fiercest defender ni President Duterte. Namo-monitor ko po kung paano niya dinedepensahan ang Pangulo sa mga tao o grupo na naninira o nambabatikos sa Pangulo. Napapanood ko kung paano hambalusin ni Erwin. Sinasagasaan niya kahit sino pa man iyon, pag nakikita niya na may mga taong gustong gibain ang ating pangulo. Because of that, nagkaroon po siya ng maraming kagalit. Kaya nga po he really needs a license to carry para mapagtanggol niya ang kanyang sarili kung sakaling dumating ang hindi inaasahan,” paalala ni Raffy sa otoridad.

Source: Raffy Tulfo in Action

Leave a Reply

Theme by Anders Norén