Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “May Biglaan akong Gagawin at Hindi Magugustuhan ng Lahat” – DU30

Sa kanyang talumpati sa Bureau of Fire Protection (BFP) anniversary celebration sa Pasay City, binahagi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang balak niyang gawin para solusyunan at maresolba ang problema ng bansa sa peace and order matapos ang sunod-sunod na pamamaslang sa Negros.

Pahapyaw ni Presidente Duterte, mayroon umano siyang biglaang gagawin na maaring hindi magustuhan ng ilang kababayan natin.

“I will explain in the coming days but I’m about to do something drastic. It will not sit well with everybody maybe including you but it is needed,” sabi ni Pangulong Duterte.

Nilinaw naman ni Presidente Duterte na wala siyang balak na magtagal sa puwesto. Hinamon din niya ang mga alagad ng batas na p4tayin siya kung hindi siya bababa sa pwesto.

“Sinabi ko sa inyo. Wala akong ambisyon na magdiktador. On the day na ayaw ko bumaba sa Malacañang, patayin ninyo ako,” paliwanag ng Punong Ehekutbo.

Plano din daw ni Pangulong Duterte na armasan ang mga bumbero para makatulong ang mga ito sa pananatili ng kapayapaan at pumuksa ng mga masasamang loob.

Binulalas ni Pangulong Duterte ang mga binabalak niya na ito matapos maglabas ng pahayag si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na pinaplano umano ng Punong Ehekutibo na gumamit ng emergency powers para sugpuin ang karahasan sa Negros at iba pang banta sa seguridad ng ating bansa.

“The Chief Executive is cautioning the enemies of the state in the island of Negros that he will use his emergency powers under the Constitution to quell the lawless violence engulfing the island, as well as to crush all forms of threats aimed to destroy the government. The President will obey the constitutional command to serve and protect the Filipino people at any cost, and to fiercely save the Republic from imminent ruin.” pahayag ni Presidential Spokesperson Panelo.

Kung sakaling magdeklara ng martial law o revolutionary government ang Presidente, susuportahan niyo ba?

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén