Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: ‘May Dokumento Ako!’ Pondong Tinapyas ni Drilon sa SEA Games, Nilagay sa 82 Projects sa Iloilo ayon sa Congressman!

Inakusahan ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta si Senador Franklin Drilon na ginamit ang tinapyas na pondo ng Southeast Asian (SEA) Games sa 82 na proyekto sa Iloilo.

“Meron po akong isang hawak na dokumento. Ang title po nito: Province of Iloilo—Insertions, 2019 GAA. Kapag sinabi po nating insertions, wala po iyon sa original na General Appropriations Bill,” sabi ni Congressman Marcoleta.

“Ito pong hawak kong dokumento, tatlong pahina, naglalaman po ito ng halos 82 projects na ang kabuuan nga po a P2.3 billion. 82 projects… sa iisang lugar po tumama. Hindi na po ito tama,”dagdag pa ni Congressman Marcoleta.

Ilang kongresista na ang nagsasalita laban kay Drilon. Kamakailan lang ay sinabi ni Deputy Speaker Mikee Romero na dapat din sisihin si Drilon sa nangyayaring aberya sa SEA Games. Naantala daw ang kasi pondo para sa palaro sa kdahil agagawan ng senado.

“Unfortunately the Senate had a lot of problems and na-delay ng 5 to 6 months yung budget. Lahat to was caused by that delay. Sen. Drilon is also partly to blame probably because the delay was caused on their side, not on the House side,” banat ni Congressman Romero.

Magugunita na sinegundahan naman ni House Speaker Cayetano ang mga sinabi ni Congressman Romero.

“Tama ‘yung sinabi ni Deputy Speaker Mikee Romero, it was Senator Drilon who moved the budget of the SEA Games to the PSC (Philippine Sports Commission) and it was (him) who proposed cutting it by 33 percent,” ayon kay House Speaker Cayetano.

Si Drilon ay naging laman ng balita nitong nakaraang linggo dahil sa pagbatikos nito sa P50 million cauldron na ipinagawa para sa SEA Games. Ayon sa seandor, tila “extravagant” daw ang naging paggastos.

Paliwanag naman ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon nilaan ang bulto ng pondo sa flmaing mechanism ng cauldron upang maging ligtas ang mga publiko at manlalaro na magtutungo sa Clark.

“The flaming mechanism must be underground and must far away to avoid any accidents. I think that was the most expensive part… But like what I said. the cauldron is a symbol. It is a tribute and monument to the sport and to our athletes, “ sabi ni Dizon.

Source: Politiko | House of Representatives | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén