Local News

‘May Gawin o Wala, May Sinasabi!’ Duterte, Binuweltahan si Leni!

Tinawanan na lang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang mga kritiko kasama na dito si Vice President Leni Robredo.

Habang pinuri ni Pangulong Duterte ang naging hakbang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglilinis sa Manila Bay.

Ayon kasi kay Pangulong Duterte, kahit ano daw gawin ng kanyang pamahalaan ay may ikukuda ang mga kritiko.

“Wala talaga tayong magawa, you do it may masabi sila, you do not do it may masabi si Leni (Robredo) what do you want us to do?” sabi ng Pangulong Duterte.

Hinamon din ni Pangulong Duterte si Robredo na mag-spray sa buong bansa kung gusto daw nito na matapos na ang pagkalat ng virus sa Pilipinas.

“Ang problema kasi nito, ‘yung magsabi we are doing enough, what can we do with the germs that’s flying around?… Etong si Leni kung ano ano pinagsasabi, alam mo Leni kung gusto mo if you really want sprayan natin itong Pilipinas o Manila ng pesticide galing sa eroplano para p*tay lahat…” resbak pa ni Pangulong Duterte.

Magugunita na sinabi ni Robredo na karapatan daw niya na batikusin ang gobyerno.

“Kahit hindi ako VP, kahit ordinaryong mamamayan lang ako may karapatan akong ipahayag ‘yung aking mga mungkahi. May karapatan akong mag-criticize if I need to criticize, kasi ‘yun ‘yung demands ng pagiging Filipino ko. And demands sa akin as a Filipino ay maging bahagi, maging bahagi ako sa nation building,” kuda ni Robredo.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén