Local News

May Hawak na kaming Dokumento laban sa Lupa ng ABS-CBN! – Congressman Defensor

Sa kaniyang panayam sa radio host na si Byron Cristobal at blogger na si Carlos Munda, isiniwalat ni Anakalusugan Congressman Mike Defensor na mayroon na silang hawak na dokumento laban sa kinukuwestiyon na lupain ng ABS-CBN headquartes.

“Noong binabanggit ito (ABS-CBN headquarter’s Land Title) ni Deputy Speaker Marcoleta, ang pananaw ko, ‘Pwede ba iyon ang tagal-tagal na ito na walang titulo?’. So , pinaliwanag naman sa akin ni DS Marcoleta. Ang katotohanan ay may hawak na kaming dalawa na dokumento… Paano nila nakuha ang property ng JUSMAG? Tama ka, pag-aari ng gobyerno iyan. May hawak ng papel si DS Marcoleta,” sabi ni Mike Defensor.

Sa parehas na panayam, naglabas din si Congressman Defensor ng pagka-dismaya ukol sa pagkakatanggal sa kaniya ni House Speaker Lord Allan Velasco bilang chairman ng Committee on Public Accounts.

Hindi niya masabi kung ang ginawang pagtanggal sa kaniya ay may koneksyon sa mga pagdinig na dapat niyang gagawin sa 2021. Isa sa mga gagawing pagdinig ni Cong. Defensor ay ang isyu sa ABS-CBN.

Si Congressman Defensor ay isa sa mga kongresista nagsiyasat sa mga isyu laban sa Kapamilya network nitong gitnang bahagi ng 2020. Kalaunan ay ay isa ito sa mga bumoto para ibasura ang franchise application ng ABS-CBN.

Source: Banat By

Leave a Reply

Theme by Anders Norén