Local News

Panoorin: “May Kalalagyan Kayo!” Mayor Isko, Nag-Beastmode laban sa mga Pulis na Tolongges!

“Mapang-api kayo ng maliliit! Mapang-abuso kayo ng uniporme ninyo,”

Sa kanyang talumpati sa flag ceremony ng pamahalaang lungsod ng Maynila, binuweltahan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga pulis na abusado at nangongotong. Isa sa binanatan ni Mayor Isko, ang ay pulis na nakikipagkutsabahan sa barangay kapitan na pumuprotekta sa mga illegal vendors.

“Nangongotong ‘yung pulis ‘dun. Sa tingin niyo mag-e-exist ‘yun? Ibig sabihi, dalawan lang iyan, magkakutsaba ‘yung chairman at ‘yung pulis. Hihiyain ko kayo! Sa buong buhay ninyo, hindi niyo na nanaising mabuhay muli na naglalakad sa kanto ng bahay niyo dahil wala na kayong mukhang ihaharap,” resbak ni Manila Mayor Isko.

Nagbanta din si Mayor Isko na dadalhin niya sa lugar na mapapalaban ang mga tiwaling pulis.

“Subukan ninyo! Pagbibigyan ko pa kayo pero pagnahuli ko pa kayo, hindi ko lang kayo itatapon kung saan man kayo dapat mapalaban, you wil never ever wanted top be alive again because of all the shame that you will receive you will get it… Mapang-abuso kayo at ayaw niyo magtino… hindi ko Hindi natin hahayaan na ang ilang puis ay dudungisan ang pagkatao ninyo na mga empleyado ng city hall,” buwelta pa ni Mayor Isko.

Tinalakay din ni Mayor Isko sa kanyang talumpati ang isyu ng demoralisasyon sa mga kawani at empleyedo ng pamahalaang lungsod ng Maynila. Babala ni Mayor Isko, bigyan prayoridad ang mga mas matagal na sa serbisyo. Sisibakin daw niya ang mga department heads ng city hall na mapapatunayang may pinapaborang kawani. Inudyukan din niya na magsumbong sa kanya ang mga naabusong mga empleyado ng city hall.

“Magsumbong kayo sa akin. May tenga kayo ng Mayor. May makikinig sa inyo, may nang-aapi sa inyo na department head, inabuso kayo dahil ‘yung isa in-appoint at na-promote dahil hindi ka kursunada ng department head mo, ‘yung department head mo tatanggalin ko,” warning ni Mayor Isko.

Source: Mayor Isko’s Speech

Leave a Reply

Theme by Anders Norén