Local News

“May Problema sa Utak si Duterte” – Abogada ng Pamilya ni Jennifer Laude

Bumoladas laban sa Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang abogado ng pamilya ni Jennifer Laude, ang transgender na napaslang noong 2014 ng Amerikanong Sundalo na si Joseph Pemberton.

Magugunita na kahapon ay naging laman ng balita ang pagbibigay ni Pangulong Duterte kay Pemberton ng pardon.

“Ito bang si Pemberton, ito ‘yung American serviceman na nakulong tapos hindi malaman ngayon ng gobyero anong klaseng computation gawin, anong factors to contribute to the equation that would arrive at a reasonable conclusion that these things happened and should be there included sa pag-compute.

Alam mo, I am not favoring anybody, neither Pemberton nor the family. Pero alam mo itong gobyerno may kaunting ano diyan dapa kasi sa good behavior kailangan i-compute mo sa lahat, detained siya for the crime facing trial and prisoned siya for the crime. Iba ‘yung detenado ka habang ‘yung kaso hini — pinapakinggan ng korte, trial. Iba naman ‘yung detenado ka na, sentensiyado ka na after trial. Siya kasi while being tried, detained na siya, tapos noong na-convicted siya tuloy-tuloy na… In fairness, tapos na ‘yung kuwentada, he was recommended to be released, ‘di i-release mo. Kaya isip-isip ko — nakikinig lang ako sa ‘yung sa newspaper pati sa radyo — sabi ko, it is not fair, hindi makatarungan.,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Atty. Virginia Suarez, may problema daw sa kaisipan ang Presidente ng Pilipinas.

“Alam mo, hindi ako makapaniwala sa ganoon. Ipinapakita nito, ‘yung colonial mentality na mayroon ang ating gobyerno… This is an exercise of an authoritarian mind. May problema sa utak at isip ang ating Presidente. Nag-iisip siya ng hindi niya kaya dahil ang kaharap niya ay Tsina. Nag-iisip siya na hindi niya kaya dahil ang kaharap niya ay Estados Unidos,” patutsada ni Atty. Suarez

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: