Local News

May Tama sa Ulo? Mga Kritiko ng Anti-Terror Bill, Sinupalpal ng MalacaƱang Official!

Itong umpisa ng Hunyo ay naging matunog ang panukalang batas na “Anti-Terrorism Bill” dahil sinertipikahan ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gawing “urgent”.

Kasunod ng pagsertipika ni Pangulong Duterte sa naturang panukala ay may ilang personalidad na kumontra dito. Ilan sa mga ito ay nasa mundo ng showbiz at politika.

Ang inaalma nila ay makikitil daw ang kalayaan nila sa pamamahayag. Ito ay sa kabila na nakasulat sa section 4 ng panukalang batas na hindi itinuturing na terorismo ang pagpoprotesta o paglalabas ng hinaing laban sa gobyerno.

“Provided that terrorism, as defined by this Section, SHALL NOT INCLUDE advocacy, protest, dissent, stoppage of work, industrial or mass action, and other similar exercises of civil and political rights, which are not intended to cause death or serious physical harm to a person, to endanger a person’s life, or to create a serious risk to public safety.”

Ngayon ay nagsalita na si Presidential Legal Counsel Salvador Panelo laban sa mga kumokontra sa panukalang batas.

“Not only is such advocacy a falsehood, it is cerebrally challenged. The critique against the anti-terrorism bill is not only biased, lacking in intellectual insight and oblivious of the monstrosity and the grave infinitesimal consequnces the terrorism has brought to the world,” buwelta ni Panelo.

Ipinaliwanag na noon ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na may tuntunin sa panukala tungkol sa pagpoprotekta sa karapatang-pantao ng bawat isa at ang karamihan daw sa hindi pabor ay mga komunista at mga sumusuporta sa grupo.

“What these detractors, mostly Reds and their allies, have done is to pick some provisions and add their own interpretations to scare people. People need not fear. The proposed law has safeguards of civil liberties and sanctions to law enforcement agencies… This bill was deliberated lengthily by both Houses and all sectors were invited as resource persons during these deliberations. All sides were heard… My comment on those opposing this measure is that their opposition is baseless as there are sufficient provisions protecting people’s rights and there are penalties and punishments for law enforcers caught abusing the law. Our people have nothing to fear,” sabi ni Lorenzana.

Ilan sa mga kilalang personalidad na kumontra sa anti-terrorism bill ay sina senator Francis “Kiko” Pangilinan at Risa Hontiveros.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: