Local News

From the Archive: Maynilad at Manila Water, Humirit ng 80% Dagdag Singil sa Napatalsik na Ex-Presidente Erap!

Sa pag-uumpisa ng Disyembre galit na ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kontrata ng mga water concessionaires sa gobyerno kung saan diumno’y “dehado” daw ang taumbayan ang pamahalaan.

Binunyag din ng Pangulong Duterte na ang pagsasalita niya laban sa kontrata ay maaaring maging daan upang mapabagsak siya.

“Walang water treatment, sige kayo kubra. Anong tingin ninyo sa amin? P*****… Kaya sabihin ko sa — hindi ako matakot, makita ko kayo. Just make sure hindi tayo magtagpo. Kumuton ko nang nawong nimo diha. O kaya ko ‘yan, ilang beses na.

Dito, ilang mga g*** dito. Kumuton gyud nako ang nawong. May bodyguard ka? Ah ‘di magbarilan tayo. P***** i** niyo. If it is time to die, we die. Ganon lang ang buhay. Pero I will not — I will go down with — not without
a bang.

Gusto ko lang malaman ng Pilipino bago ko matapos, kailan man ‘yan, bukas or I may or I may not complete my term. It could be tomorrow, it could be day after. ‘Pag gusto ko lang malaman ng mga Pilipino that may dumaan na
Presidente who really loves his countrymen,”
sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati.

Iba naman ang naging karansan ni dating Presidente Erap Estrada sa mga nasabing water concessionaires. Ayon kay Estrada, nakipagsabwatan daw ang mga may-ari ng water companies upang matapalsik siya sa pwesto.

Sa isang artikulo noong 2008, idinetalye ng dating Pangulong kung paano nangyari ito. Bagong upo lang daw siya bilang Presidente, hiniling na raw agad ng mga water companies na payagan silang magtaas ng singil sa tubig ng 80 porsyento. Hindi niya daw ito pinayagan dahil ang kanyang slogan noong nangampanya siya ay “Erap para sa Mahirap”.

“Estrada recalled that three months after his assumption of the presidency, the Ayalas and Lopezes sent their representatives asking him to approve their petition for an 80 percent increase in water rates. “I gained their ire when I turned down their request. I told their representatives that I cannot approve that because when I run for president, my slogan is Erap para sa Mahirap,” Estrada said. “I told them that If I approve their request the poor Filipinos might rephrase my slogan into Erap Pampahirap,” Estrada said.” sipi mula sa artikulo ng GMA News.

Ang Manila Water ay pag-aari ng mayamang Pamilya Ayala. Habang ang Maynilad ay pag-aari noon ng Lopez at ngayo’y kontrolado na ng bilyonaryong si Manny Pangilinan.

Source: GMA News | PCOO | archived

Leave a Reply

Theme by Anders Norén