Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Mayor Isko at McDonald’s PHL CEO, Pinirmahan ang MOA na Magbibigay-Trabaho sa Senior Citizens at PWDs!

Masayang balita para sa mga ka-Manileño nating senior citizens at differently-abled nating mga kapatid!

Pormal nang nilagdaan sa Manila City Hall nina Manila Mayor Isko Moreno at Golden Arches Development Corporation (McDonald’s Philippines) Kenneth Yang ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na tatanggap ng senior citizens at PWDs sa 40 McDonald’s store sa lungsod ng Maynila.

Sa ilalim ng nasabing MOA, tatanggapin ng mga piling tindahan ng McDonald’s sa Maynila ang senior citizens at PWD’s bilang mga pansamantalang empleyado nila sa loob ng anim na buwan. Bawat piling tindahan ng McDo ay tatanggap umano ng dalawang kwalipikadong senior citizens at isang PWD.

Magtatrabaho nang hindi hihigit sa apat na oras kada araw ang kwalipikadong senior citizen, limang beses sa isang linggo, sa mga oras na 8:00am-12:00pm o di kaya’y 1:00pm-5:00pm.

Samantala, magtatrabaho naman ang PWDs sa mga shift na katulad sa regular na crew members ngunit hindi lalampas sa walong oras.

Kapwa tatanggap ang senior citizens at PWDs na maiha-hire ng minimum wage na sahod, proportionate 13th month pay at service incentives, gayundin ng kaukulang medical insurance.

Ang kwalipikadong senior citizen ay dapat nasa edad na 60 pataas, at pasado sa physical, medical, at laboratory exams na magpapatunay na kakayanin pa nilang magtrabaho.

Ang mga PWDs naman na maaaring i-hire ay iyung mga “deaf and mute” at makapapasa rin sa physical, medical at laboratory exams, at mapatutunayang sila ay “fit to work”.

Kailangan ding sumailalim ng mga kwalipikadong senior citizens at PWDs sa mga pagsasanay at sila ay pipirma ng kaukulang kontrata sa McDonald’s Philippines. Sila rin ay kailangang sumunod sa mga patakaran at regulasyon ng kumpanya na ipinatutupad maging sa mga regular nitong empleyado.

Ilan sa mga resonableng trabahong maaaring i-assign ng Mc Donald’s Philippines sa kanila ay ang mga sumusunod: order presenter, drink drawer, table manager, at overall guest relations work.

“Ipinagpapasalamat ko nang buong puso, in behalf of the City of Manila, kay Mr.Kenneth Yang ng McDonald’s at sampu ng kanyang mga kasama kung saan tumugon sila sa panawagan ng Lungsod ng Maynila to give our senior citizens and PWDs another opportunity na magkaroon ulit ng panibagong source of income,” saad ni Moreno.

Ayon naman kay Yang, higit sa 30 empleyado na umano ang kanilang natanggap sa kasalukuyan sa iba’t ibang branches nila sa bansa. Nakikita umano nila ang potensyal, kakayahan at pagpupursigi ng mga ito sa trabaho at makapagbigay ng magandang serbisyo para sa mga kostumer.

“McDonald’s Philippines has been a responsible employer since we opened our first store here in Manila in 1981. We usher our 38th founding anniversary this September,by inking this partnership with the City of Manila as we commit to provide more employment opportunities which aim to integrate senior citizens and hearing impaired Manileños into the workforce,” saad ni Yang.

Source:
GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén