Local News

Mayor Isko, ‘Wag mong gawin Lungga ng Komunista ang Maynila! – Former Scout Ranger

Hindi pinalampas ng dating scout ranger na si Abe Puruggnan ang ginawa ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga anti-NPA tarpaulins sa lungsod nito. Magugunita na pinag-utos ni Mayor Isko na tanggalin ang mga anti-NPA posters sa kanyang nasasakupang lugar dahil panahon daw ngayong ng pagbibigayan ng pag-asa.

“Huwag niyo na po ilagay sa Maynila ‘yan Uubusin ko po iyan.

May directive na po ako sa DPS na tanggalin ang mga tarpaulin na ito. ‘Di po natin kailangan ang mga ito sa gitna ng pandemiya. Dapat magkaisa po tayong mga Pilipino,” boladas ni Mayor Isko.

Nagpaalala naman ang dating sundalo sa alkalde. Ani Puruggnan, hindi dapat hayaan ni Mayor Isko na gawin lungga ng mga komonunista ang Maynila. Nagbabaladin ito na baka mawalan ng amorang mga sundalo at pulis sa bagitong alkalde. Kalakip ng post ni Purugganan ay ang litrato ni Mayor Isko kasama si COmmunist Party of the Philippines founder Joma Sison.

“Itong larawan ay ang galing sa aking inbox.
Magkaibigan ba sila? Kaya ba pinapaalis ni Mayor Isko ang mga tarpaulin ng persona non grata sa mga komunista sa Maynila?

Mayor, huwag mong gawin lungga ng komunista ang Maynila. Dudumihan, dudungisan at guguluhin lang ang siyudad. Kahihiyaan at karahasan lang ang idudulot ng mga ito sa mga taga Maynila. Walang pagkakaisa sa mga ito. Gagamitin ka lang nila. Baka mawalan pa ng gana sa iyo ang mga sundalo, pulis, at ang mamamayang Pilipino.” sabi ni Purugganan.

Source: Abe Purugganan | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén