Local News

Mayor Isko, Inutusan ang Fastfood Chains na Mag-Hire ng Senior Citizens bilang Service Crew

Inuudyukan ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang lahat ng fastfood chain sa syudad na tumanggap ng mga manggagawang senior citizens at mga persons with disabilities (PWDs) sa kanilang mga tindahan.

Ayon sa ulat ng isang media group, nagbigay na raw ng kautusan ang alkalde sa isa nitong opisyal para kausapin ang mga fastfood chains na mag-hire ng mga kababayan nating may edad na pero may kakayahan pa ring magtrabaho.

“Kayong mga senior, mag exercise na kayo… Dahil si Fernan Bermejo ay inatasan ko nang tupdin yung commitment natin na tumanggap ang mga Jollibee, McDonalds, lahat ng food chains ng senior citizen […] including PWDs,” sabi ni Mayor Isko.

Si Bermejo ay ang namumuno sa Public Employment Services Office (PESO) sa pamahalaan ng Maynila.

Ayon kay Mayor Isko, pagkakataon na raw ito ng mga kababayan nating may edad na may maayos na kalusugan at pangangatawan na magkaroong ng pagkakakitaan.

“If Americans can do it, if Singaporeans can do it, if Japanese can do it, why not Manileños? Hintayin niyo. Ipina-cocoordinate ko na yung ating PESO [tungkol dito sa instruction]” dagdag pa ni Mayor Isko.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa sinusulong ni Mayor Isko sa kanyang lungsod.

“This is great! A lot of seniors are still very qualified to work and unfortunately not financially ready to retire. Same with our differently abled citizens.” sabi ni C. Laudico.

“Outstanding ! Elevating the opportunities for hardworking seniors and persons with disabilities . God bless you .” sabi ni T. Gonzalvo.

“Singapore had been employing seniors in fast food chains during the 90’s. I went there for the 1st time 1996. Had breakfast at McDonald’s and they have seniors as crew. Good move for Mayor Isko to do this.” sabi ni L. Luna.

“In Singapore, it is a norm. coz why not? Some elderly people got so used to work so they get bored being retired and staying at home. its their choice anyway.” sabi ni J. Teo.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén