Local News

Mayor Isko, Ipagbabawal ang Eco-Friendly E-Tricycles sa Maynila?

Mukhang darati ng araw na hindi papayagan ng liderato ng Maynila ang mga electric tricycles (e-trikes) sa mga kalsada nito. Sa opisyal ng social media page kasi ng Manila Public Information Office (PIO), inanunsyo na ipapagbawal daw ni Mayor Franciso “Mayor Isko” Moreno ang e-tricycle program.

Ginawa ang deklarasyon na ito matapos makipag-pulong si Moreno sa opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa post ng Manila PIO, inidaw ng opisyal ng MMDA ang naturang sasakyan ay kauri daw ng isang laruan.

“This after MMDA General Manager Jojo Garcia said e-tricycles are classified as “toys” by the national government,” sabi sa Facebook post ng Manila PIO.

Ang e-trike ay ang programang inilunsad ni dating Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Layon ng programa na mabawasan ang polusyon sa kalsada at isulong ang green energy.

Hindi lang ginagamit bilang public utility vehicle ang sasakyan, pati sa mga tours sa historic sites ng syudad ay napapakinabangan din ito.

Alamin ang naging reaksyon ng ilang netizens sa binabalak na hakbang ng punong lunsod ng Maynila.

“Keep the e-trikes mayor please.
Ayusin sana ang batas at i-regulate mga drivers.
We should encourage more eco friendly means of transporation,”
sabi ni M. Gamboa.

“Yorma, suggestions all E-tricycle should be under the City of Manila Monitoring and Management and all Drivers should under go intensive Road Safety Training po para yung Totoong naghahanap ng Trabaho sa Maynila ay na Momonitor po at May Discipline sa Daanan po. Pag may nagkamali tanggalan ng trabaho at ipakulong depende sa pagkakamali,” sabi niG. Goli.

“Salamat sa e-trikes,may kumikitang kabuhayan ibang Mañilenos po. For example, naging ginhawa lakad ko mula Quiapo to Divisoria and vice versa dahil sa e-trike.
Pwede po eh ayusin and improve na lng sistema ng transpo. Just a thought,”
sabi ni M. Jabson.

Source: CNN Philippines | Manila PIO

Leave a Reply