Local News

Mayor Isko, Ipapa-Takeover ang 5 Privatized Public Markets sa Loob ng 3 Araw kung Hindi Magbabayad ng P25 Million!

“Binibigyan ko kayo ng 72 hours to pay. This is unfair. Hindi makatwiran yan,”

Binigyan ni Manila Mayor Fracisco “Isko Moreno” Domagoso ang 2 kumpanya ng 72 oras para bayaran ang P25.54 milyong obligasyon nito sa lungsod ng Maynila at kung hindi ay mawawalan ang mga ito ng kontrol sa 5 public markets sa syudad.

Ayon sa Punong Lungsod ng Maynila, hindi daw ni-remit ng XRC Mall Developers Inc at Marketlife Management and Leasing Corporation ang bahagi ng guaranteed annual revenue simula noong 2017. Ang dalawang kumpanya ay nagkaroon ng kasunduan sa pamahalaan ng Maynila noong panahon ni dating Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Pinatatakbo ng XRC ang Sta. Ana Market, San Andres Market, Sampaloc Market and Trabajo Market at ang mga ito ay nagkaroon ng utang na aabot sa P14.38 million.

Ang Marketlife na nagpapatakbo naman sa Quinta Market ay hindi umano nakapagbayad ng P11.16 million.

“‘Yung maliliit na nagtitinda nagbabayad pero ‘yung malalaking korporasyon hindi nagbabayad. Parang ginagahasa niyo naman kami niyan… In the absence of payment, we will invalidate or strike down your contract. No extension. You have to pay,” sabi ni Mayor Isko.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natins a pahayag ni Mayor Isko.

“Always excited to hear all your inputs for the betterment of the city, as well as for whole philippines .A good example of a leader.Good governance is the key,” sabi ni M. Gale.

“With that revenue it can support the project of the government in building up hospital, advance in technology improvement in schools and hospitals and drainage system in Manila. NO CORRUPTION,” sabi ni G. Cataluna.

“Nice mayor good job idol. Galing tlaga ng mayor namin god bless you always and god protect you,” sabi ni E. Amar.

Congratulations mayor we are all behind you . You are an exemplary model to all politicians and future politicians. sabi ni M. Elizaga.

Source: Mayor Isko Moreno | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén