Lotto Result

Mayor Isko, Ipapapatay? Alkalde Nakatanggap ng Banta sa Buhay, ayon sa Konsehal!

Matapos ang mga matugumpay na clearing operations ni Manila Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso laban sa mga illegal vendors na umookupa at nakakaperwisyo sa ilang kalsada sa Maynila, ibinunyag ni Third district Councilor Manuel “Letlet” Zarcal na mayroon umano mga nagbabanta na sa buhay ng alkalde. Ayon sa konsehal, nakuha niya raw ang mga impormasyon mula sa ilang sources at mismo kay Mayor Isko.

Si Zarcal ay kilalang close associate ni Mayor Isko.

Pero paliwanag daw ni Mayor Isko sa kanya, kasama daw ito sa trabaho.

“The mayor simply brushed aside the threat when the information was given to him, saying it comes with the territory… Sabi ni mayor, hazards of the job daw ‘yun and only meant to derail his efforts to rid the city of illegal vendors and syndicated, ‘organized’ vending schemes,” sabi ni Zarcal.

Hindi naman na idenetalye pa ni Zarcal kung kanino niya nakuha ang impormasyon ng pagbabanta sa buhay ng punong lungsod. Pero nagbigay ang konsehal ng clue. Maaaring galing daw ito sa mga naapektohan ng husto sa ginawang kampanya ni Mayor Isko.

Magugunita na sinabi kamakailan ni Mayor Isko na may nag-alok daw sa kanya ng suhol na P5 million kada araw para lang huwag nang galawin ang mga illegal vendors sa lansangan.

“May nagpaparating lang sa akin na mensahe: P5 million daw a day, P150 million a month, P1.8 billion a year. Ngayon, whether it is true or not, I don’t know. Kaya siguro mahirap linisin. That’s 1.8 billion. Para dating-gawi, same-same,” pahayag ni Mayor Isko noong unang bahagi ng Hulyo.

Basahin ang reaksyon at komento ng ilang kababayan natin sa pagbabanta umano sa buhay ng sa alkalde ng lungsod ng Maynila.

“Doble ingat po Mayor Isko. Ibalik mo ang dating ganda ng Maynila,” sabi ni A. Samonte.

” We are fervently PRAYING for you and your whole Family, also for your good health. GOD BLESS you po more of HIS saving power of hedge of protection, cover you all the time and your whole team with “HIS MOST PRECIOUS BLOOD,” and blessings of all kinds GOD is giving to HIS industrious and nagcckap to be righteous son of GOD. MABUHAY KA PO, ISKO MORENO. MABUHAY MGA MANILEÑOS. GLORY TO GOD….,” sabi ni L. Alcaraz.

Source: Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén