Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Mayor Isko, Nag-React sa Sinabi sa Kanya ni DU30!

Ikinalugod ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte tungkol sa pamamalakad niya sa Maynila.

Kagabi, sinabi ng Presidente na bilib siya sa husay ng pamamahala ni Mayor Isko. Napansin din ng Pangulo ang paraan ng pagsasalita ni Mayor Isko.

“Bilib ako sa kanya. Kaya nanonood ako ‘pag nagsasalita siya. Mas mahusay siya kaysa sa akin, sa totoo lang. May nakita akong mas mahusay ang resolve niya kaysa akin. Plus two ako sa kanya,” sabi ni Presidente Duterte.

Malugod naman tinanggap ni Alkalde ng Maynila ang naging pahayag ng Presidente. Ayon kay Mayor Isko, isa daw si Pangulong Duterte sa naging inspirasyon niya pagdating sa pamamahala.

“Thank you for the kind words, Mr. President, but to be really honest, isa po kayo sa mga naging inspirasyon ko sa kung ano mang klase ng liderato na mayroon kami… Kung ano man ang nakikita nating pagpupursige ng mga alkalde sa buong Pilipinas, hindi lang po ako, ay reflection lamang ng klase ng liderato at Pangulo na mayroon tayo,” pahayag ni Mayor Isko.

Inalala din ni Mayor Isko ‘yung mga panahon na bumibisita siya sa lungsod ng Davao at kung paano ito kaayos.

“Naalala ko po nung lage akong nagagawi sa Davao nung araw. Di naman po lingid sa kaalaman ng karamihan, lalong lalo na yung mga taga Maynila na ako po ay naninigarilyo. Pero pag nasa Davao City po ako, takot na takot po akong manigarilyo dahil alam kung huhulihin ako.

In fact there was one time, galing po kami ng Tagum pabalik ng Davao City. Medyo dis oras na ng gabi pero biglang bumagal po ang takbo ng sasakyan namin so tinanong namin yung driver kung bakit. Simple lang yung sagot nya. “Kasi po nasa Davao City na tayo. Kahit gabi ho dito, may pulis man o wala, sumusunod po kami sa batas trapiko.”

So we owe it to you Mr. President, for inspiring us and for becoming a good example to all of us” pahayag pa ni mayor Isko

Source: News5 | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén