Local News

“We are grateful to DENR!” Mayor Isko, Nagsalita na tungkol sa Manila Bay White Sand!

Nagbigay na ng reaksyon si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso
sa mga tumutuligsa sa Manila Bay White Sand na ikinasa ng pamahalaan para mapaganda ang syudad.

Ayon sa pungong lungsod, hindi maaaring basta-basta na lang ihinto ng gobyerno ang proyekto dahil matagal ng aprubado ito.

“We cannot just strike dow a valid contract without violation of anything under the provision of that contract. Hindi naman maganda iyon, magiging masamang ehemplo ang gobyerno… As long as it is not proven na ito ay nakakapaminsala, the city of Manila, in our own little way, are grateful to DENR,” sabi ni Mayor Isko.

Sa hiwalay pang panayam, sinabi pa ng alkalde na dapat ay may factal basis ang mga umaapela sa nasabing proyekto.

“Pwede naman eh (na umapela). Pero if you go into an appeal, you must have a factual basis. Importante iyon kasi always remeber, hindi ito pinagkaila ng DENR when they started doing it. And it’s been there for almost 2 years, going 2 years,” ani Mayor Isko.

Source: ABS-CBN | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: