Local News

Mayor Isko, NakaTAPAK ng “Etchas” sa Monumento ni Bonifacio!

Habang nag-iinspeksyon sa monumento ni Andres Bonifacio malapit sa Manila City Hall, aksidenteng nakatapak ng dumi si Manila Mayor Isko Moreno sa paligid ng bantayog ng bayani.

“Sa likod ni Bonifacio may ta*. Sa paanan ni Bonifacio may ta*. Katabi ng opisina ng alkalde… Sinisuwerte. Yayaman. Ayan ta*,” sabi ni Mayor Isko.

Si Mayor Isko ay naging laman ng mga balita nitong nagdaang araw dahil sa pagbabagoong ipinatutupad niya sa lungsod ng Maynila. Isa sa mga unang, inaksyunan ni Mayor Isko ay ang mga illegal vendors nagbebenta sa gitna ng mga kalsada na nakakasagabal sa mga sasakyan. Ilan sa mga kalsadang nasampolan ng alkalde ay ang Recto sa Divisoria at Carriedo.

Pinangunahan rin ni Mayor Isko ang pagwasak sa mga makina na ginagamit sa illegal gambling. Noong nakaraang linggo ay pinagwawasak nito ang mga nakumpiskang video karera machines sa pamamagitan ng pagmaso sa mga ito. Ayon sa alkalde, ayaw niya sa mga video karera, pula-puti, saklaan at sabungan. Karaniwan daw nagagagamit sa transaksyon ng bawal na gamot ang video karera. Nagbabala din si Mayor Isko na pananagutin ang sinumang protektor ng mga iligal na pasugalan kung sakaling mahuli ang mga ito.

Marami sa mga kababayan natin sa social media ang bumilib at humanga sa ipinatutupad na pagbabago ni Mayor Isko sa mga kalsada ng Maynila. Pero kahapon ay nagbigay ng komento si dating Mannila Mayor Joesph “Erap” Estrada at tila inilarawan niya na “nagpapasikat” lang ang bagong alkalde.

“Madali naman ‘yung linisin mo lahat ‘yan. Pero kawawa naman ‘yung ilang bibig, ilang bata… Madaling magpasikat eh, madali ‘yan. Isang utos ko lang, meron iyan.

Ilan taon akong naging mayor sa San Juan, sa Maynila – naging Presidente pa ako. Madali ‘yani-utos pero titignan mo ‘yung kapakanan ng mga kapwa tao mo lalo na ‘yung mahihirap,” sabi ni Ex-Mayor Erap.

Source: GMA News | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén